Exclusive! SARAH GERONIMO, NAG-SORRY NA KAY CRISTINE REYES!


HINDI INAASAHAN NG
lahat ng nakasaksi ang eksenang iyon sa hallway sa labas ng dressing room ng ASAP Rocks, habang umeere ang variety show ng Dos kahapon ng tanghali.

Papalabas si Cristine Reyes sa nasabing dressing room, at siya namang pagdaan ni Sarah Geronimo, kasama ang inang si Mommy Divine. Walang sabi-sabi, biglang niyakap nang mahigpit ni Sarah ang nagulat na si Cristine Reyes.

Ayon sa ating pusang-gala, humingi ng sorry si Sarah sa lahat ng nangyaring away sa pagitan nila ni Cristine. Sinabi pa raw ni Sarah kay Cristine na wala naman daw siya talagang sama ng loob sa mga naging tweets noon ni Cristine, sabay sabing “Sorry… bati na tayo!”

Medyo parang blangko pa raw si Cristine sa biglaang pangyayaring iyon. Mahigpit ding nakipagyakapan si Cristine kay Sarah, at nasabi na lang  nito sa Pop Star Princess na, “Okay na ‘yun!”

Maging si Mommy Divine ay humingi na rin umano ng paumanhin kay Cristine at nakita itong yumakap din sa sexy actress.

Matatandaang nagkaroon ng malaking away sa pagitan nina Sarah at Cristine, na parehong contract artists ng Viva Entertainment, nang mag-post si Cristine ng hindi magagandang pana-nalita patungkol kay Sarah sa kanyang Twitter account, dahil na rin sa naging komento umano ni Sarah kay Cristine patungkol naman sa relasyon nito kay Rayver Cruz. Naging karelasyon ni Sarah si Rayver noon, na nitong bandang huli na lang inamin ng singer-actress.

Danny’s Law
by Danilo Jaime Flores


Previous articleJOEY DE LEON AT POKWANG, NAGKABATI NA!
Next articleTum: My Pledge of Love: The ‘Sugod’ Screening

No posts to display