EXCITED DAD: Dingdong Dantes, may pa-big reveal sa gender ng baby nila ni Marian!

Dingdong Dantes

EXCITED ang maraming press people sa magiging big reveal ni Dingdong Dantes at ng misis niya na si Marian Rivera sa magigig gender ng pangalawang baby nila.

Sa media conference ng bagong aksyon serye ni Dingdong na Cain at Abel na nagsimula na mag-broadcast last Monday night after ng balita sa 24 Oras.

Pangako ng aktor na bago mag-birthday ang anak nila na si Zia, ire-reveal na nila ang kasarian ng magiging baby nila.

Sa darating na kaarawan ni Zia, gusto lang ng bata na pumunta ng Disneyland. Ayaw niya ng pabolosang party, ayon sa ina.

Gusto ng anak nila na makita ang mga mascots ng theme park kaya come November 23, Friday (birthday ng panganay nila) ay tutungo sila sa Disneyland para i-celebrate ang birthday ng anak.

Kung sa darating na Biyernes na ang birthday ni Zia, ibig sabihin na anytime before Friday na ang big reveal ang gagawin ni Dingdong sa kung ano ang gender ng second baby nila ni Marian.

DongYan with daughter Zia

First time visitor ng Disneyland ang unica hija nina Dingdong at Marian.

Sa short vacation nila ay kailangan din nila bumalik kaagad dahil sa trabaho ni Dingdong sa bagong serye niya na Cain at Abel with Dennis Trillo together with Solenn Heussaff, Sanya Lopez, Eddie Gutierrez, Dina Bonnevie, Chanda Romero, Leandro Baldemor, Vince Vandorpe, Ervic Vijandre at Renz Fernandez.

 

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.