Exchange Student ng Ateneo, Nadukutan sa Cubao

ISANG DAYUHANG estu-dyante ang nadukutan sa isang footbridge sa Aurora Boulevard-EDSA sa Cubao, Quezon City kahapon ng umaga.

Ayon sa biktima na kinilalang si Kyo Techo, 22-anyos at Japanese citizen na exchange student ng Ateneo de Manila University (ADMU), sinabi nitong kasama niya ang kanyang kaibigan nang maganap ang insidente habang papunta sila ng bus station patungong Tagaytay para magbakasyon.

Natangay ang wallet ng estudyante na nasa loob umano ng kanyang bag na naglalaman ng P5,000 cash at iba pang dokumento kabilang ang kanyang passport.

Problema ngayon ng biktima ang mga dokumentong gagamitin niya sa nalalapit niyang pag-alis sa bansa na natangay ng mandurukot.

Ayon sa mga nakakitang tindera sa footbridge, may sumabay umanong lalaki sa biktima habang paakyat ng tawiran nang bigla na lamang may nagsabing bukas ang bag nito at nakitang tumatakbo papatakas ang mga ito.

Kasalukuyang naiulat na ang nasabing kaso sa istasyon ng pulis sa Kamuning para sa agarang pagsisiyasat sa kaso.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.