Exchange of vows of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado is very intriguing

 

ISA AKO SA mga ninang sa renewal of vows nina Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado nu’ng nakaraang Sabado. Pero nag-Startalk muna ako at sa reception na lang ako humabol.

Super ulan pa kasi at ma-traffic kaya nagdesisyon na akong sa reception na lang sa Sofitel ako. Saka isa pa, hindi kasi ako napagawan ng damit kay Paul Cabral.

Naaliw naman ako sa reception dahil doon pumunta ang halos lahat na mga imbitado. Natuwa nga ako nang nakita ko si Regine Velasquez na malaki na ang tiyan, ‘Day! Nakakatuwa pa dahil kumanta nga sila ni Ogie Alcasid bilang regalo na nila ‘yun kina Bong at Lani.

Hindi rin nagpahuli sina Bong at Lani, super kanta rin sila kaya masaya ang selebrasyon. Medyo nakakaintriga at emotional ang seremonya nila sa simbahan lalo na sa exchange of vows na inihanda nilang dalawa.

Ang isa sa mga memorable na linya ni Bong para kay Lani: “You are the only soul meant on this Earth for me. I’m yours alone forever.”

O, ‘di ba? Kaya ang ibang babae diyan na type pang agawin si Bong, tumigil na, ‘no!

Siyempre naiyak si Lani sa mga si-nabi ni Bong. Pero humirit din ito sa vow na sinabi niya na nakakaintriga.

Sey nito: “I don’t expect hurt anymore from ‘you know what department’ from now on, Papa. Thank you for being my greatest leading man. Sana mahalin mo pa ako lalo na ngayong ako’y lola na.”

Naiyak nga ang mga anak ni Bong at isa sa tuwang-tuwa si Inah na nag-celebrate din ng anniversary nila ni Vince sa araw na ‘yun.

Maayos na nairaos ang renewal of vows nina Bong at Lani, kaya congratulations sa inyong dalawa.

 

NAKUNAN PALA NG Startalk ang pictorial nina Jennylyn Mercado at Patrick Garcia kasama ang anak nilang si Alex Jazz para sa isang magazine.

Nu’ng nakaraang Sabado lang ang pictorial at nakakatuwa silang tingnan dahil nabuo sila para sa kanilang anak.

Gusto naman daw nilang maipakita kay Alex Jazz na buo rin sila kaya pumayag silang magpa-pictorial na magkasama.

Nagpahayag naman si Patrick ng suporta kay Jennylyn lalo na’t nali-link ito nga-yon kay Luis Manzano.

Nilinaw naman ni Jennylyn na hindi pa sila ni Luis pero exclusively dating nga raw sila.

Kahit nakikita silang magka-holding hands sa concert ng Maroon 5 nu’ng nakaraang linggo, wala raw malisya ‘yun dahil talagang magka-date lang daw sila at wala pang na-develop nang higit pa du’n.

Wish ni Patrick kay Jennylyn, sana makakita na raw ito ng tamang lalaki para sa kanya.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

15 thoughts on “Exchange of vows of Senator Bong Revilla and Congresswoman Lani Mercado is very intriguing

  1. Kalurky naman ‘tong mga haters na ‘to. Kayo ba kung may pera kayo, di nyo bibigyan kahit papaano ng luho sarili and family nyo? Duhh!!! Mayaman ‘tong mag-asawa na ‘to bago pa man magpolitics kaya wag kayong mag-alala, di kaban ng bayan ang ginastos nila.

  2. WOW BUTI PA SILA MAY PERA PARA DYAN HABANG YUNG MGA SCHOLL SA KANILA SIRA SIRA AT HINDI MAPAKINABANGAN NAPAKA KAKAPAL TLAGA NG MGA REVILLA GANID SA KAPANGYAHIHAN AT PERA ALL IN THE AID OF POLITICS YUCK NAKAKADIRI TONG MAGASAWANG TO PAREHONG IMPOKTO AT IMPOKRITA PWE!!!! AYUSIN NYO MGA SKWELAHAN SA LALAWIGAN NYO KAKAPAL NYO

  3. Hay naku bakit hindi na lang magpakabait at stick to one woman na lang. At pati pala si Jenn, naging dyowa pala ni Bong? Hindi ko yata alam ito ah. OMG, kung totoo man ito, halos lahat na lang ba gusto niyang angkinin, alam ba lahat ito ni Lani? So sorry for her, marami ka ngang pera pero hindi naman smooth sailing ang pamilya mo, para na ring walang peace of mind. Yon ang isa sa mga pinakahirap sa buhay, yong wala kang peace of mind. I’d rather have a simple but happy life than to be a rich, famous but very lonely and sad person.

  4. Di ba dami rin anak ng father ni Bong Revilla na si Ramon ba yon? Ilan ba yon lahat anak ni Ramon Revilla? At si Jolo din nakaanak din at very young age sa anak ba yon ni Osang? so maybe yong pagkababaero nila ay baka it runs in the family, nasa genes eka nga.

  5. kaya minamadali ni BONG ang pagpapakasal nila ni LANI, kasi tatakbo si BONG sa pagka PRESIDENTE NG PILIPINAS, kaya kailangan ang papel ni LANI bilang WIFE sa harap ng kampanya, madalas na ang tactic na yan na ginagamit ng mga pulitiko karay -karay lagi ang asawa nila para ipakitang buo at maayos na pamilya ang iboboto ng mga TANGANG PINOY… kumbaga nililinis na nya ang bahong kinakalat niya. TOTOONG kabit pa rin niya hanggang ngayon si JOSEPHINE dahil me anak sila at patuloy pa rin ang relasyon nila. Eto ang mga naging babae ni Bong sa pagka-kaalam ko. GRETA, RUFFA MAE QUINTO, JENNYLYN MERCADO, RUFFA GUTTIEREZ, JOSEPHINE CANONIZADO me naging mga gf din si BONG na ibang artista bukod sa kanila.

  6. sila pala ung nasa blind item ng SRO sa DZMM nila Alvin at LJ na pina exclusive ang coverage ng okasyon nila na malamang na gagawan ng pelikula..well well, let’s see nalang..sana for REAL ITO not for pagpapabango lang kasi both of therm aRE FROM POLITICS…S

  7. Hindi ako masyadong familiar sa Josephine Canonizado na ito so I google searched her pictures, ang ganda pala nya!

  8. op kors she is the only soul meant for him…pero mga leading ladies nya rin! di ba gretchen b?????

  9. san ginastos na lang sa mga constituents nila yung budget sa so called renewal of vows na yan. sobra na, ang daming nagugutom na Pilipino tapos makikita mo parehong public servants ganun na lang kung magtapon ng pera

  10. Congrats! Pero nay lolit totoo ba yong tsismis na tuloy pa rin yong relasyon nina Bong and Josephine Canonizado? Wag naman sana. Laging sinasabi ni Bong sa mga interview nya na mahal nya si Lani at nag-iisa lang si Lani pero bakit may mga tsismis pa rin? Sayang naman ang patience and pagmamahal ni Lani. Grabe, saludo ako sa pagiging strong ni Lani. Sana di na sya ulit masaktan.

  11. Congratulations sa Revilla couple. Sana nga tumigil na si Bong sa pambabae. Kawawa naman ang mga anak nya, baka yong karma ay sa mga anak nya pumunta. I admire Lani so much, napakapatient and understanding nya.

  12. Nabasa ko sa Pep.com na may nag comment na parang si Bong ay nakarelasyon daw noon si Gretchen Barretto, Ruffa Gutierrez, Josephine Canonizado at Dina B. daw. Totoo ba ito? Pero sa mga words of promises ni Bong sa renewal of vows nila, parang si Lani lang ang babae sa buhay nya. Nakakalurks ang lalaking ito, kaya pala parang nahawa na rin ang anak nyang si Jolo sa kanya. Hayyyy naks!!!!!!

  13. sabi mo sa pilipino star hindi mo nakain ang nakuha mong pagkain. ang siba mo kasi ! gusto mong lumamon ng sobra kaya nakakahiya ang asal mo sa handaan. dapat mag-asal tao ka di baboy. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.