Ex-Vice Mayor, Itinumba ng Riding-In-Tandem

PATAY ANG isang dating opisyal ng lokal na pamahalaan matapos na pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Bgy. Poblacion, San Ildefonso, Ilocos Sur.

Kinilala ni P/Senior Insp. Jose Abaya, chief of police ng San Ildefonso, ang biktima na si Anthony “Tonyboy” Que, 55, dating bise alkalde sa bayan ng Sto. Domingo.

Base sa police report, nakikipag-usap si Que kay Arlene Tubon sa likuran ng Recel Apartment nang lapitan at pagbabarilin ng mga suspek  sa ulo at leeg.

Matapos ang insidente, mabilis na tumakas ang mga suspek habang ang biktima ay agad namang dinala sa ospital subalit idineklarang patay ng mga doktor.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol at cal. 9mm.

Hindi pa matukoy ng pulisya kung ano ang motibo sa pamamaslang sa biktima na naging negosyante matapos ang kanyang termino bilang vice mayor.

(ROLANDO S. GAMOSO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.