Sipat-eklat: Ex-sweethearts na sweet na sweet sa TV panay ang awayan at murahan ‘pag walang camera!

SIPAT: HINDI na MAPAPANOOD si KRIS AQUINO sa SNN hanggang ELEKSIYON.
EKLAT: OKAY lang naman daw kung mai-EXTEND. REST ka muna, KRISSY!

SIPAT: WAKE-UP CALL daw kay TETAY ang PAGKAKABAGOK ng ULO na DAPAT, e HINAY-HINAY na siya sa TRABAHO.
EKLAT: DAMI ng SIGNS na PINATITIGIL na siya NOON pa…

SIPAT: TAMA na raw ang TANONG tungkol kay PATRICK GARCIA, sey ni JENNYLYN MERCADO.
EKLAT: ITANONG n’yo naman ‘yung TUNGKOL sa YOUNG ACTOR na NAPAPADALAS ang DALAW sa kanya…

SIPAT: MAGBARKADA lang daw SILA ni CARLO AQUINO, sey ni GLAIZA DE CASTRO.
EKLAT: At NORMAL lang sa MAGBARKADA na SWEET ‘pag MAGKASAMA?

SIPAT: Nae-EXTEND ang EXPOSURE ng mga BAGETS sa AGUA BENDITA, GUMAGANDA kasi ang RATING.
EKLAT: PUMAPANGIT tuloy ang ARAW ni JACLYN JOSE. WA pa kasi APIR si ANDI EIGENMANN, e.

SIPAT: MAPAPANOOD naman si ANDI kapag LUMAKI na sina AGUA at BENDITA.
EKLAT: AFTER 10 YEARS!

SIPAT: Nag-RENEW na ng KONTRATA sina REGINE VELASQUEZ at OGIE ALCASID sa GMA-7. Kaya HINDI TOTOO na LILIPAT sila ng TV5.
EKLAT: WALA kasi silang CHOICE!

SIPAT: P10-M lang daw ang OPENING GROSS ng MISS YOU LIKE CRAZY. At HINDI P18-M.
EKLAT: A) May PADDING talaga; B) DAGDAG-BAWAS ‘yan!; C) MA at PA! D) ALL of the ABOVE

SIPAT: GRABE ang DAMI ng mga ARTISTA at PERFORMERS sa POLITICAL RALLIES ni SEN. MANNY VILLAR, ‘no?
EKLAT: Kaya ‘pag HINDI siya NANALO sa ELEKSYON, PUWEDE siyang CONCERT PRODUCER naman!

SIPAT: BAGSAK pa rin sa RATING ang DIZ IZ IT.
EKLAT: Pero ‘IN’ pa rin naman ang SHOW… sa SIBAKAN sa SIYETE!

SIPAT: Blind Item: SWEET na SWEET ‘pag may TV CAMERA ang ex-SWEETHEARTS. Pero PANAY ang AWAY at MURAHAN nila ‘pag WALA nang CAMERA.
EKLAT: Clue: PAREHO silang MASARAP PANOORIN sa TV, kaya HINDI HALATA ang SILENT WAR nila.

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service

loading...

2 thoughts on “Sipat-eklat: Ex-sweethearts na sweet na sweet sa TV panay ang awayan at murahan ‘pag walang camera!

  1. TSUGI NA ANG SOP

    Sobra sobra na ang panlalait ng mga tao sa show dahil sa kanta nila sa final episode…

    Kanta ni Janno and Ogie:

    “Itong ASAP tuwang tuwa ngayon
    Natalo na nila ang dati’y hindi nila matalo
    Ngunit, bakit, hindi nyo ba alam
    Kami’y magbabalik, at di pa tapos ang laban
    We dance, we shout

    Movin’ Groovin’ all around
    You can say that we are having so much fun
    We sing we bring joy to everybody
    Get down and join the party
    Here at S-O-P!”

    Mapa-Youtube man or blogs, nagmukhang tanga ang SOP

    Hindi lang sila nag-mukhang mayabang at hambog…

    nagmukha pa silang talunan at bitter.

    Nakakahiya talaga.

    Become a fan in facebook: http://www.facebook.com/pages/We-Condemn-SOPs-UNPROFESSIONALISM-and-BITTERNESS/377185018915?ref=search&sid=1318941457.1932345549..1

Leave a Reply

Your email address will not be published.