Ex-Survivor Patani Dano, to be evicted from rented apartment?

NAKATAKDANG MAPALAYAS DAW sa kanyang inuupahang bahay ang ex-Survivor/comedienne na si Patani kundi pa rin siya mabibigyan ng proyekto sa kanyang home studio (GMA-7).

Tsika ng isa sa malapit na kaibigan ng komedyana, ito ang pinoproblema ngayon ni Patani. Almost ilang buwan na raw kasing walang regular show si Patani, at kung may guesting naman daw ito ay honorarium lang at ‘di sapat sa kanyang upa sa tinutuluyang apartment.

Bukod kasi sa kanyang upa, pinu-problema din nito ang kanyang kakainin araw-araw, pambayad sa ilaw at tubig. Kung dati-rati nga raw ay sa malaking bahay nakatira si Patani nu’ng sagana pa ito sa dami ng shows, biglang lumipat ito sa mas maliit na apartment dahil sa pagtumal ng project nito. At ngayon naman ay baka mawalan na ito nang tuluyan ng tutuluyan dito sa Manila dahil kapos na ito sa pambayad.

Dagdag pa ng kaibigan nito, sinasabihan nila si Patani na umuwi na lang sa kanilang probinsiya at iwan na ang showbiz. Pero mukhang napamahal na raw si Patani sa industriyang kanyang ginagalawan, kaya naman daw wala itong balak iwan ang showbiz. Naniniwala raw itong magkakaroon ulit ng magandang proyekto, ‘di man daw sa GMA baka sa ibang TV network. ‘Yun na!

AYAW NA RAW patulan ni Joel Cruz, owner ng Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz Signatures, ang patutsada raw sa kanya ni Hayden Kho at Dra. Vicki Belo.

Basta ang alam daw nito ay nagtatrabaho siya nang walang tinatapakang ibang tao at mas naka-concentrate daw ito sa pagpapalago ng kanyang negosyo nang sa ganu’n ay mas marami pa siyang taong mabigyan ng trabaho.

Kaya naman daw wala itong balak batiin ang mga ito kapag nag-krus ang kanilang daan, kung hindi ang mga ito ang babati sa kanya. Pero kung babatiin daw siya ay magpapakatao siya at babati rin. Hanggang doon lang at ‘wag nang asahang makikipag tsikahan siya sa mga ito dahil sa mga paninira sa kanya ng mga ito.

DOREEN ISABEL DAW ang ipapangalan sa baby girl na bagong silang na sanggol ng award-winning actress na si Sunshine Dizon. Ito raw kasi ang pangalan na napagkasunduan nila ng kanyang guwapong asawa na si Timothy Tan.

Tsika nga ng ina nitong si Dorothy Dizon, alam nitong magiging matangkad ang kanyang apo, dahil sobrang haba nito kumpara sa ordinaryong sanggol na bagong silang. Bukod pa sa maamo raw ang mukha nito, matangos ang ilong, maganda ang mata at labi.

Dagdag pa nito na kumbinasyon ni Sunshine at Tim daw ang hitsura ng kanyang apo. Kaya naman daw little Sunshine ang tawag nito sa kanyang apo. Wish daw nito na makuha ni Doreen Isabel ang talino ng kanyang mga magulang sa paglaki nito.

ISANG MAKABULUHANG MAHAL na Araw ang naging biyahe namin papuntang Batangas, kung saan Huwebes Santo pa lang pagdating namin ng Batangas ay nag-Visita Iglesia kami sa malalaking simbahan mula Sta. Teresita hanggang Balayan, kasama ang aking mga lady Fridays na sina Edwin Parungao at Marcial Somo. After naming mag-Visita Iglesia, tumuloy kami sa aming kaibigan na sina Alaine at Herbert Sara na co-owner ng radio station sa Lemery, Batangas, ang 92.7 Southern Luzon, kung saan nakilala namin ang guwapong DJ na si Kevin Wolfert o mas kilala bilang si Simple Kevs at ang Boxing Champion na si Drian ‘Gintong Kamao’ Francisco.

Binisita rin namin ang lumubog na simbahan ng Caysasay sa Taal na sinasabing nakakagaling ang tubig na matatagpuan at makukuha rito. Binisita rin namin ang napakagandang Binukbok View Point Resort na matatagpuan sa Brgy. San Pablo, Bauan na pag-aari ng napakabait na si Manny Garces at isang napakasarap na dinner naman ang inihanda ng napakabait na mag asawang sina Mr. and Mrs. Chris Castillo.

Binisita rin namin ang matagal na rin naming kaibigan at schoolmate noon sa FEU na si Raye Bathan at iba pa naming kaibigan sa Taal na sina Rodgie Pesigan at Kapitan Edrich Atienza and Family.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

6 thoughts on “Ex-Survivor Patani Dano, to be evicted from rented apartment?

  1. papano natin malalaman kung magaling ba sya o hindi,,eh di naman talaga sya binigyan ng project sa gma artist..kung meron man ginawa lang crowd…bakit di subukan!

  2. OK NA UNG KAY PATANI KC KAHIT PAPANO MAY  GUESTING PARIN SYA.. HINDI KATULAD NG IBA JAN MY SHOW NGA MARAMING PALABAS  PERO ILANG TF NILA BINIBIGAY SA KUMUHA NILA PARA KUNIN SYA SA SHOW….  UN ANG KAWAWA.. ….

  3.  Paano nyo na laman na hindi  sya magaling? kailan ba sya ng karoon ng palabas ng GMA ARTIST CENTER eh wla eh.  

  4. Ang problema kasi kay Patani wala syang talent at masyadong dry ang acting niya. Kala ng GMA7 nakapulot sila ng ginto, bato lang pala . Dapat siguro kay Patani pumasok ng acting class or kaya repackage niya ang sarili niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.