Ex-Starstruck Bugz Daigo, handang ipaglaban ang dyowang transexual

IN FAIRNESS, magaling at maganda pala talaga itong winner ng Super Sireyna ng Eat Bulaga na si Francine Garcia.

Dumami nga ang fans niya sa Startalk dahil sa bonggang sagot niya sa mga mala-beauty contest na mga tanong sa kanya.

Guest din namin nu’ng hapong ‘yun ang transexual na karelasyon ng dating taga-Starstruck na si Bugz Daigo na si Hazel Timonera.

Magkaibigan pala itong Hazel at Francine kaya nagkatsikahan sila du’n.

Pareho silang maganda at matinong sumagot sa mga tanong namin kaya hindi nakapagtatakang ma-in love sa kanila ang mga tunay na lalaki.

Itong sina Bugz at Hazel nga nagso-sorry sa Mommy at stepdad ni Bugz dahil nu’ng lumabas sila sa Startalk na inamin ang relasyon nilang dalawa, nagalit daw sila.

Umaasa si Hazel na sana tanggapin daw siya ng pamilya ni Bugz.

Mukha namang ipaglalaban ni Bugz ang pagmamahal niya kay Hazel, kaya kinakantiyawan ko nga si Hazel na sobrang haba ng hair niya dahil talagang ipinaglalaban siya ni Bugz.

Saan ka nakakita ng ganu’ng pag-iibigan? Tingnan na lang natin kung talagang magtatagal nga silang dalawa.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Ex-Starstruck Bugz Daigo, handang ipaglaban ang dyowang transexual

Leave a Reply

Your email address will not be published.