Ex-Solgen Chavez at Rep. Locsin, Nominado sa Pagiging CJ

NADAGDAGAN PA ang listahan ng mga pagpipilian ng Judicial and Bar Council (JBC) bilang susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema, kapalit ng napatalsik na si Renato Corona.

Ito ay matapos i-nominate ng isang Manuel Bavierra si dating Solicitor General Frank Chavez.

Ayon kay Baviera, isa sa founder ng Whistleblowers Association of the Philippines, magagampanan umano ni Chavez ang tungkulin bilang chief justice.

Inirekomenda rin ng abogado ni dating Comelec Chairman Benjamin Abalos na si Atty. Brigido Dulay si Teddy Boy Locsin na isang dating mambabatas at isang mamamahayag. Si Locsin ang ika-13 na nominado at aplikante sa JBC.

Kabilang sa mga nasa listahan na ay sina Jocelyn Esquivel na isang nurse, gayundin sina Prosecutor Marianito Sasondoncillo, retired Judge Manuel Siayngco, Professor Rafael Morales at Atty. Nepomuceno Aparis.

Nominado rin sina Justice Secretary Leila de Lima, BIR Commissioner Kim Henares, Solicitor General Francis Jardeleza, Ateneo Law Dean Cesar Villanueva, dating UP Law Dean Raul Pangalangan, at Atty. Katrina Legarda.

Samantala, awtomatiko namang pasok bilang kandidato ang limang most senior associate justices ng Supreme Court na sina acting Chief Justice Antonio Carpio, Justices Presbitero Velasco Jr., Teresita Leonardo-De Castro, Arturo Brion at Diosdado Peralta. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.