Ex-Sex Bomb Aifa Medina, todo-deny na may anak siya kay JC de Vera!

BONGGA ANG NAKARAANG 60th Anniversary ng GMA-7, kung saan dumating halos lahat ng kanilang mga artista. Nakita namin kung gaano ka-intact ang mga artist ng nasabing TV network na talaga namang bongga ang lahat ng production numbers na kanilang ginawa.

Isa sa mga nakausap namin sa nasabing anibersaryo ay ang mag-boyfriend na sina Mark Herras at Ynna Asistio,kung saan ay umamin ang dalawa na kahit walang okasyon ay nagbibigayan sila ng regalo sa isa’t isa.

“Binigyan niya ako ng relo, kulay pink. Cute siya, Juicy Couture ang tatak,” pahayag ni Ynna na nagsabi pa sa Pinoy Parazzi na madalas siyang dinadalaw ng aktor sa kanilang bahay sa White Plains. “Barkada kami, hindi lang siya ang madalas sa amin, kundi maging ‘yung iba pa naming friends.”

Samantala, kung pink watch ang regalo ni Mark kay Ynna, black watch naman ang ibinigay ni Ynna kay Mark. “Parang chocolate ang tatak, maganda bagay sa akin,” ani Mark na umaming for the past two years and four months na relasyon nila ni Ynna, lalong lumalalim ang pagmamahal niya sa aktres.

DUMATING NA NG bansa si Bella Flores, at inamin niya sa atin na etching lang lahat ang mga sinabi niyang magpapakasal siya sa isang Japanese millionare. “Etching lang ‘yun, hindi totoo ‘yun. Alam n’yo naman, gimikera ako,” tumatawang panimula ni Bella Flores nang magkita kami sa mini-presscon ng bagong album ni Imelda Papin (na kung saan ay magkakaroon ng bagong concert si Imelda kasama si Mommy Dionisia na gagawin sa Aliw Theater sa October ).

Ayon kay Bella, almost three years din siyang nawala sa bansa at wala siyang ginawa sa Amerika kundi ang magpakasaya at mag-bingo nang mag-bingo. “Kaya ako bumalik sa Pilipinas, dahil nami-miss ko ang umarte.”

Trivia: Si Bella Flores ang unang kontrabida na gumanap na tiyahin ni Vilma Santos sa pelikulang Trudis Liit noon na ni-remake ngayon ng GMA-7. “Sana nga kunin nila (GMA-7) ako para may raket naman ako.”

FAIRYTALE WEDDING ANG pangarap ni Say Alonzo para sa magaganap na kasal nila ng kanyang non-showbiz boyfriend. Ayon kay Say, sobrang saya siya kay Ryan na isang salon and spa product distriburor.

“Actually, after two years, last Monday lang ako muling umapak sa bakuran ng Dos. Masaya naman ako dahil maayos naman ang ginawa kong pag-alis nu’n. Kasi feeling ko, kaya ako umalis ay wala naman akong project na ginagawa sa kanila.”

Inamin ni Say na napaiyak siya nang makita niya ang sarili sa isang tarpuline na nakapalibot sa Siyete. “Iba kasi ang feeling, hindi ito nangyari sa akin nu’ng nasa Dos pa ako. Nabigyan nila ako rito ng importansiya. Kaya nga lahat ng role na ibinibigay nila sa akin ay talagang pinagbubuti ko.

Sinabi pa ni Say na malapit na ang kanyang kasal, pero never siyang haharap sa altar nang buntis.

IMBIYERNANG-IMBIYERNA ANG DATING Sex Bomb dancer na si Aifa Medina sa balitang may anak na sila ni JC de Vera. Usap-usapan kasi na may anak sila ng aktor na siyang dahilan kung bakit ilang buwan din siyang nawala noon sa grupo ng Sex Bomb. “Kahit mamatay ako ngayong oras na ito, hindi ako nagbuntis at lalong wala akong anak. Maski tingnan pa ninyo ang tiyan ko, wala akong kamot!” Tumitiling sabi ni Aifa.

Ang tsika kasi ay nagkaroon sila ng anak ni JC, kung saan ang bata ay nasa pangangalaga ngayon ng pamilya ng aktres. “Kung totoong may anak ako, hindi ko ikakaila iyon. Wala akong anak. Inaamin kong matagal din kaming nagkarelasyon ni JC, pero wala kaming anak.”

Sabi ni Aifa, naghiwalay sila ni JC kasi si JC at si Rhian Ramos noon ay magkarelasyon, samantalang siya naman ay nagmahal ng isang non-showbiz guy.

More Luck
by Morly Alinio

Related Post

loading...

7 thoughts on “Ex-Sex Bomb Aifa Medina, todo-deny na may anak siya kay JC de Vera!

  1. Omg i dont even know aifa who is she?
    Artista ba siya
    My gosh shes not so pretty naman jc mas ma beauty pa c rhian!!!
    Next time pumili ka ng maganda jc sayang ka lng an gwapo mu pa naman,,

  2. bakit sino naman si JC de Vera para sabihan na mamimili ng papatulan? Pasalamat nga siya kahit isa siyang iyakin at walang backbone na lalaki e me nagkakagusto pa sa kanya.

    Sayang na artista, hindi pa man sumikat lubog na. Pahawak mo ba naman ke Anavil ang karir mo, di sa kangkungan ka ngayon.

    Tamo yung mga me alam talaga sa showbiz gaya ni Lily Monteverde, nag-ingay lang ang channel 5 pero wala pa ring commercial na pumapasok. Sana lang personal na pera ni Manny P. ang ginagastos niya at hindi pera ng PLDT, magagalit ang stock holders niyan…. Kaya weong decision ka Mareng JC sa paglipat, buti pa bumalik ka na lang sana sa channel 2, maski pano me pag-asa ka kaso ang dami namang aahas sa iyo dun….

  3. plastik naman talaga yang say alonzo na yan na akala mo kung sinong pa-tweetums napaka-suplada naman. huwag ka na mag-artista teh khit saang istasyon ka mapunta puro naman support role ang binibigay sa iyo. bumalik ka na lang sa pagiging receptionist sa call center yun naman ang trabaho mo di ba?

  4. ang babaw naman ni SAY ALONZO!
    ginawan lang ng tarpaulin eh tumimo na sa puso niya samantalang sa abs naman siya nakilala.
    hindi pa ba importansya na nabigyan siya ng pagkakataon
    at nakilala sa kanyang awiting “magmahal muli”.
    SAY isa kang plastikada!

Leave a Reply

Your email address will not be published.