Ex-Prov’l Administrator, Pinaaaresto

ILOILO CITY – KAAGAD na nagpiyansa ng P22,000 si dating Iloilo provincial administrator Manuel Mejorada matapos dinagdagan ng dalawang warrant of arrest sa magkahiwalay na kaso.

Si Mejorada ay sinampahan ng Falsification of Public Documents at Libel, at ang warrant of arrest ay inilabas ng National Capital Judicial Region sa Quezon City.

Matapos matanggap ang kopya ng kanyang warrant of arrest, boluntaryong sumuko si Mejorada sa Jaro police station sa Jaro, Iloilo, sa hepe na si Police S/Insp. Joseph Almaquer at nagbayad ng piyansa.

Batay sa inisyal na impormasyon na natanggap ng mga awtoridad, ang kasong Falsification of Public Documents ay isinampa ng isang nagrereklamo na may apelyidong Garin.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.