Ex-Police Dedo sa Skydiving

NAPAAGA ANG kamatayan ng isang retiradong pulis matapos magkaaberya ang ginamit nitong parachute sa Binalonan, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Renato Modicillo, dating naka-assign sa Taguig Police.

Kasama ni Modicillo ang dalawang iba pang pulis sa private commercial practice plane sa Brgy. Camanggaan, para sa kanilang PNP Skydiving practice.

Subalit sa kasamaang palad ay pumulupot ang tali ng parachute sa kanyang paa nang ito ay tumalon at hindi nito agad nabuksan ang kanyang reserba kaya’t tuloy-tuloy ito sa pagbagsak.

Makalipas ang ilang oras na paghahanap ay natagpuan ang bangkay ni Modicillo sa Brgy. Kilo, Sison, Pangasinan.

Samantala, nakipag-ugnayan na ang pulisya sa pamilya nito sa Taguig upang kunin ang bangkay ng biktima.

(EUNICE CALMA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.