Ex-PNP General, tiklo sa pangingikil

ISANG DATING pulis ang inaresto makaraang mangikil sa mga nagnanais pumasok bilang pulis sa Iloilo City.

Kinilala ito na si retired Police C/Supt. Edgar Valdillon na naaresto noong Linggo sa Arevalo, Iloilo City sa entrapment operation ng Regional Special Operations Group (RSOG) ng Police Regional Office 6 (PRO6) matapos mabunyag ang panghihingi nito ng P15,000 bawat isa sa anim na mga police applicant.

Ayon kay PRO6 Dir. Police C/Supt. Cipriano Querol Jr., nakunan na ng statement ang mga testigo para sa pagsasampa ng kaso laban sa retiradong opisyal.

Gayunman, agad nakapagpiyansa ng P6,000 si Valdillon kaya pansamantalang nakalaya.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.