Ex-PNP Chief Versoza; 4 pa, kakasuhan sa lumang choppers

DAPAT MANAGOT ANG sinumang responsable sa pagbili ng overpriced at lumang Robinsion R44 helicopters ng Philippine National Police (PNP) noong 2009.

Ito ang nilinaw ni Interior and Local Government Secretary Jesse Robredo makaraang aminin na kanilang natuklasan na dalawa sa tatlong biniling choppers na inilaan sa PNP Special Action Force ay second hand.

Ayon sa kalihim, kanya nang inatasan si PNP Chief, Dir. General Raul Bacalzo na siyasatin at kasuhan ang mga mapapatunayang responsable sa maanomalyang transaksyon at posibleng matamaan ng im-bestigasyon si dating PNP Chief Jesus Versoza, dating PNP acceptance/inspection committee head Supt. George Piano at mga miyembro nito na sina Sr. Supt. Luis Saligumba, Sr. Supt. Nolan Antonio at Supt. Edgar Paatan.

Kinuwestiyon ni Robredo si Piano at mga miyembro nito na sa kabila ng kanilang inspection at evaluation sa mga chopper ay kanila pa itong inaprubahan dahilan para makalusot din sa specifications ng Napolcom.

Bukod dito, liable din sa paglusot ng dalawang second hand na choppers sina PO3 Avensuel Dy, property inspector at Sr. Supt. Mansue Lukban, chief ng Management Division for Comptrollership.

Magugunitang inamin ng PNP na noong isang taon pa nila nalaman na luma na ang dalawa sa choppers na binili sa panahon ni Versoza.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.