Ex-PBB housemate Jaz Manabat, natsa-challenge kay Paulo Avelino

MORE CHIKKAHAN na naman tayo sa mga pasabog natin na talaga namang hindi nagpapaawat.

Nai-chikka lang sa akin ng mga kaparazzi natin na nu’ng nakaraang Sabado sa birthday party ni Paco ng PBB, halos kumpleto ang ex-PBB housemates at super enjoy sila ‘pag magkakasama sila. Kaya lang, nagtataka lang ako, sa dinami- rami rin pala ng mga talent ng ABS-CBN, halos lahat ay ‘di nabibigyan ng pagkakataong sumikat.

Pero naikuwento lang din sa akin ng isa sa mga kasabayan nila na si Jaz Manabat, siya ang nag-voluntary exit sa Bahay ni Kuya dahil hindi kinayanan ang homesick kahit na naiisip niya na napakahirap makapasok sa Bahay ni Kuya, ‘di ba? Ang dami mo pang pagsubok na pagdaraanan at ilang screening pa ang tatahakin mo. Pero hindi naman niya pinagsisihan ang paglabas niya agad-agad.

Na-ichikka naman niya sa akin na after the reality show, lahat naman daw sila ay in-offeran ng acting workshop. Kaya lang, wala raw talaga sa talent niya ang pag-arte. Pero may naitatago naman siyang talent like pagkanta at pagsayaw kahit papaano.

Ang sabi naman niya sa akin, ang the best sa kanya ay ang pagiging seksi niya. Nakilala naman talaga siya roon. Una lang kasi ay nu’ng bata pa kami noon ay pangarap na talaga niya mag-model-model. At siya pa mismo ang nagbabayad sa photographer noon para lang sa shoot niya.

Pero nu’ng nabigyan siya ng pagkakataon, ayan na-offer-an siya sa Playboy magazine after ng kontrata niya du’n ay sumunod naman ay ang FHM. Habang tumatagal, pababa nang pababa ang rank niya sa 100 sexiest, kaya more paseksi ang peg niya.

Kaya nga nu’ng na-interview ko siya ay itinanong ko na kung sakaling bigyan siya ulit ng pagkakataong mag-workshop ay pagpupursigihan ba niya? Sabi naman niya ay “Why not, ‘di ba?”

At kung tatanungin n’yo naman, gustung-gusto niyang makasama si Paulo Avelino, dahil iba raw kasi ang dating sa pag-arte at parang matsa-challenge daw siya nang bongga. At ‘yun ang tipo niya sa lalaki, ‘yung matsa-challenge siya.

At ngayon, makikita n’yo sa mga event ng mga carshows and fashion shows si Jaz. Siyempre sabi ko nga, i-push niya ‘yan para more more projects. Hahaha!

Lay D’ Cam
By Camille Espeña

 

loading...

4 thoughts on “Ex-PBB housemate Jaz Manabat, natsa-challenge kay Paulo Avelino

  1. sayang ndi mo tnanggap ung workshop, shempre lahat nman mapag aaralan kung gus2 mo tlgang sumikat at tumagal sa industriya, sa huli tlga ang pag sisisi.. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.