Ex-PAGCOR Chair Genuino, Pinakakasuhan ng Ombudsman

PINAKAKASUHAN NA ng Ombudsman ng patung-patong na kasong Graft at Malversation si dating Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) Chairman Efraim Genuino.

Base sa 43-pahinang joint review resolution na nilagdaan ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, kabilang sa sasampahan ng kaso ang anak ng dating pinuno na si Erwin Genuino at iba pang opisyal.

Isa sa pinag-ugatan ng kaso ang pagbili ng PAGCOR ng tiket sa pelikulang Baler.

Sinabi ng Ombudsman na 89,000 ang biniling tiket ng PAGCOR na kontra sa scheme na dapat mag-o-offer lang sa mga casino.

Kinakitaan din ng conflict of interest si Erwin na executive assistant ng kumpanya at nagsilbing executive producer ng pelikula.

Bukod dito, nakitaan ng probable cause ang pagbigay ng donasyon ng PAGCOR sa mga pinaborang organisasyon na aabot sa P44 milyon.

Samantala, kinuwestyon din ang Prime Media Advertising sa Bida Foundation na P63 milyon na kinalauna’y kinampanya sa pagka-partylist.

Sa ngayon, pinakakasuhan din ang mga opsiyal sa pag-ako ng gastos sa pag-imbak at pamamahagi ng 300 metric tons ng donasyong bigas noong 2008.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.