Ex-Pagcor Chair; 3 pa, kinasuhan sa Ombudsman

SINAMPAHAN NA ng mga kasong Plunder at Graft sa Ombudsman ang dating chairman ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na si Efraim Genuino kaugnay ng umano’y maanomalyang P1 bilyong coffee deal.

Kasama sa mga kinasuhan sina dating PAGCOR President Rafael Francisco, dating PAGCOR Senior Vice President at Senior Managing Head of Research Development Department Rene Figueroa; at Promolabels owner Carlota Cristi Manalo-Tan.

Base sa 25-pahinang reklamo ng PAGCOR Board sa pangunguna nina Directors Jose Tanjuatco at Enriquito Nuguid, sinasabing nagsabwatan ang apat para sa overpriced na suplay ng kape sa mga casino mula 2001 hanggang 2010.

Ginamit umano ng mga dating opisyal ng PAGCOR ang kanilang kapangyarihan para magbigay ng mandato sa mga sangay ng Casino Filipino “to enter into concession agreements with Promolabels with a view towards enriching themselves and coffee concessionaire Manalo-Tan through the sale and purchase of overpriced Figaro coffee products, to the damage and prejudice of the Filipino people.”

Ayon kay PAGCOR Chairman Cristino Naguiat, Jr., bukod ang Plunder case na ito sa una nang isinampang Plunder at Graft cases laban kay Genuino

at iba pa kaugnay naman ng pag-sponsor sa pelikulang “Baler” at mga kontrobersiyal na transaksyon para sa BIDA Foundation.

Lumilitaw sa pagsisiyasat ng PAGCOR na umabot sa P700 milyon ang naging gastos ng dating pamunuan para sa kape mula 2001 hanggang 2010.

P40 milyon na lang ang ginagastos nila ngayon kada taon para sa kape, malayo sa P100 milyon kada taong budget ni Genuino noon, ani Naguiat.

Samantala, nabanggit din ni Naguiat na ikinakasa na ng Department of Justice (DOJ) ang Malversation case laban sa mga anak ng dating PAGCOR chairman na sina Erwin at Anthony na umano’y ginamit naman ang rice donation mula Japan para sa kanilang kandidatura noong 2008. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.