Ex-OFW, Nagpakamatay Dahil Wala Nang Trabaho

DEAD ON arrival sa Kairos Hospital sa San Jose del Monte City ang isang dating oversease Filipino worker makaraang magbaril sa sarili gamit ang Smith & Wesson na cal.38 revolver sa Brgy. Loma de Gato, Marilao,Bulacan.

Kinilala ni P/Supt. Gerry Andaya  ang nasawing biktima na si Daniel Raymund, 23 anyos, binata, residente ng 172 Osmena St., Brgy, Pag-asa, Obando, Bulacan.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng mga pulis, dakong ala-1:30 ng tanghali nang umalingawngaw ang isang malakas na putok ng baril sa ikalawang palapag ng bahay ng kapatid nitong  babae.

Nabatid na posibleng ang kawalan ng trabaho ang dahilan ng pagpapatiwakal ng biktima sa loob ng comfort room, kung saan nagbaril ito sa ulo.

Samantala patuloy naman ang imbestigasyon ng mga pulis kung ano talaga ang motibo sa pagpapakamatay ng binata.

(TONY DELA PEÑA)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.