Ex-O, Patay; 1 pa, Sugatan sa Ulan ng Bala

MAAGANG NASAWI ang isang barangay ex-o makaraang paulanan ng punglo ng baril ng apat na hindi nakikilalang suspek sakay sa magkahiwalay ng motorsiklo habang isang matandang babae pa ang nasugatan sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Hindi umabot nang buhay sa Tala Hospital sanhi ng mga tama ng bala ng kalibre .45 baril sa iba’t ibang parte ng katawan ang biktimang si Yusoph Domato, 52, may-asawa, barangay ex-o ng Bgry. 188, Tala at resident ng Pahse 12, Domato Avenue, Tala, ng nabanggit na lungsod.

Sugatan naman si Gloriosa Lopez, 62, may-asawa at naninirahan sa Bo. Sta. Rita, North Caloocan nang magtamo ito ng tama ng bala ng kalibre .45 baril sa kaliwang paa.

Base sa ulat ng Caloocan City Police Station, bandang alas-2:00 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa kahabaan ng Bo. Sta. Rita kanto ng Calmito St., Tala, Brgy. 188.

Nabatid, ang biktimang si Lopez ay nasa compound ng isang Angelito Villaric na matatagpuan sa # 479 Avocado St., Bo. Sta. Rita, North Caloocan nang biglang dumating ang apat na hindi nakikilalang suspek , mga nakasuot ng helmet, jacket, mga armado ng kalibre .45 baril at mga nakasakay sa magkahiwalay na motorsiklo.

Sa puntong ito ay pinagbabaril ng mga suspek ang nasabing matandang babae subalit sa kabutihang palad ay sa kaliwang paa lamang tinamaan ng bala ng baril.

Dahil sa pangyayaring ito ay naalarma si Domato at dalawang barangay tanod nito kung saan ay agarang nagsisakay sa kanilang tricycle barangay patrol at pagkatapos ay hinabol ng mga ito ang mga suspek.

Nang mapansin ng mga salarin na hinahabol sila ng naturang barangay ex-o at mga tanod ay agad silang pinau-lanan ng punglo ng apat na suspek kung saan sa katawan ni Domato lahat tumama ang mga bala ng baril habang ang mga kasama nitong tanod ay binuwenas na nakaligtas.

Sa kasalukuyan, nagsasagawa ang nasabing himpilan ng pulisya ng manhunt operation laban sa mga nakatakas na suspek at inaalam ang motibo sa likod ng nasabing insidente.

(ROMAN MAGPOC)   

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.