Ex-NPA, Tiklo sa Surigao Del Sur

ARESTADO ANG dating kasapi ng New Peoples Army (NPA) sa Barangay Mahayahay, Lingig, Surigao Del Sur.

Kinilala ang salarin na si Elpidio Gomez alyas “Rambo” na pang-15 Most Wanted person sa Caraga Region dahil sa kasong double murder at 12 taon nang nagtatago.

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) Regional Public Information Officer (PIO) Police Supt. Marfin Gamba na dinakip si Gomez sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ermilindo Andal ng Regional Trial Court (RTC) Branch VI ng Prosperidad, Agusan del Sur.

Samantala, naging ikalawang secretary ng NPA si Gomez mula 1994 at 2004.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.