Ex ni Ely Buendia, gumawa ng eksena sa isang Christmas party?! – Alex Brosas

GUMAWA RAW NG eksena ang dating dyowa ni Ely Buendia, lead vocalist ng Eraserheads at ngayon ay nasa Pupil na, nang dumating ito sa isang Christmas party.

Kasama ni Diane na dumating sa party sa isang bar sa Pasig ang sinasabing ipinalit niya kay Ely na isang commercial and ramp model. Headturner ang ka-date ni Diane dahil guwapo ito, moreno at matangkad. Talagang pinagtinginan sila nang sila ay dumating sa pagtitipon.

Pero ang higit na ikinaloka ng mga party-goers noong gabing iyon ay ang suot na dress ni Diane. Sa likod kasi nito ay may price tag pa kaya lihim na nagtawanan ang mga tao sa party. Bakit nga naman may price tag pa na kitang-kita sa damit ni Diane.

May isang party animal ang hindi nakatiis at sinabi raw kay Diane na may price tag na na nakakabit sa kanyang damit. Pero, parang deadma lang daw ang ex-dyowa ni Ely at sinabing “It’s okay.”

Throughout the party ay hindi raw tinanggal ni Diane ang price tag sa kanyang brown dress kaya naman amused na amused ang mga tao.

MABAIT PALANG ANAK itong si Rochelle Pangilinan. At talagang pinasaya raw ng dalaga ang kanyang mother dear noong Pasko.

Ang tsika sa amin, ipinasyal niya sa abroad ang kanyang ina noong Pasko kaya wala ang Sex Bomb dancer sa bansa noong holidays.

Anyway, balik-Daisy Siete ang beauty ni Rochelle starting today. Sa Season 25 ng DS entitled Bebe and Me, muling patutunayan ni Rochelle na malakas pa rin talaga ang hatak niya sa televiewers. Siya kasi ang hinahanap ng mga regular viewers ng Daisy Siete.

Kung sa tunay na buhay ay mapagkandiling anak si Rochelle, kabaliktaran naman ito ng kanyang role bilang Rochelle Plaza sa Daisy Siete. Iniwan kasi siya ng kanyang ina sa episode kaya naman lumaki siyang may malaking galit sa mundo.

HINDI NA RAW itinatago ng isang young star ang kanyang bagong pag-ibig.

Sa isang pagtitipon, talagang super sweet daw ang young star sa kanyang bagong boyfriend na isang young businessman. Hindi raw kasi mapaghiwalay ang dalawa noong gabing iyon. At pagkataos nga raw ng event ay ang businessman pa ang naghatid sa aktres sa bahay nito.

A few months back, kumalat ang balitang split na ang young actress sa young actor niyang boyfriend. Nakarating kasi sa kaalaman ng aktor na may bago nang idine-date ngayon ang aktres kaya ito na ang nagkusang makipaghiwalay sa babae.

Ngayon, natsitsismis ding nagkabalikan na ang young actress at young actor. Sweet na raw uli ang dalawa. Balitang ipinag-shopping pa ng aktor ang girl noong Christmas at umabot sa mahigit P200,000 daw ang naipamili ng aktor sa ex-girlfriend niya.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

4 thoughts on “Ex ni Ely Buendia, gumawa ng eksena sa isang Christmas party?! – Alex Brosas

  1. wala na sila ni ely?
    diba nung reunion concert sya pa nga ang nagbantay kay ely sa hospital?
    hmm..
    so single na ulit si ely?!
    me pag asa na ko haha!

    • ganun lang yun ka simple at nung napansin sya nakahiyaan na lang na alisin at nakatulong pa nagkaruon tuloy ng ispasyo dito na pag uusapan. salamat sya sa tag price

Leave a Reply

Your email address will not be published.