Ex-NCRPO Chief at Cong. Bataoil, anak, at 1 pa, sugatan sa vehicular accident

PANGASINAN – SUGATAN SI dating National Capital Region Police Office (NCRPO) Director at ngayon ay Pangasinan 2nd Rep. Leopoldo Bataoil makaraang salpukin ng pampasaherong bus ang kanilang sasakyan sa bayan ng Bugallon kahapon ng madaling-araw.

Sa sketchy report ni Highway Patrol Group Director Chief Supt. Leonardo Espina sa Pinoy Parazzi, sugatan din ang bunsong anak ng kongresista na si Angela at driver na nakilala lamang na PO3 Evangelista.

Ayon kay Espina, tinatahak ng grupo ng retiradong heneral lulan ng Nissan Escapade na may plate number ZET 264 ang kalsada sa Bgy. Poblacion nang salpukin ng Dagupan Bus na may plakang DAS 578.

Iniwasan umano ng driver ng bus na si Benny Cainap ang isang motorsiklo kaya’t nawalan ng kontrol at tumama sa sasakyan ng kongresista sa kabilang direksyon.

Bagama’t nagtamo ang kongresista ng pinsala sa ulo, nasa ligtas na itong kalagayan at nagpapagaling sa Special Group Hospital & Trauma Center sa Dagupan City habang ang kanyang driver ay nasa Intensive Care Unit.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.