Ex-Mining Financier, Patay sa Boga

 

PATAY ANG isang dating mining financier sa bayan ng Lobo, Camarines Norte matapos barilin ng hindi nakilalang suspek.

Ayon kay SPO2 Henry Berso ng PNP-Labo, kinilala nito ang biktima na si Roberto Pascua, 44, ng Barangay Balat sa naturang bayan.

Una rito, pauwi na umano si Pascua lulan ng kanyang motorsiklo subalit nang sapitin nito ang bahagi ng Barangay Lubatid sa nasabing bayan ay bigla na lamang umano itong pinara ng dalawang hindi nakilalang mga salarin na sakay rin ng motorsiklo.

Pagkatapos ng ilang minutong diskusyon, bigla na lamang pinagbabaril ng isa sa mga suspek ang biktima na nagtamo ng iba’t ibang tama ng bala ng baril sa kanyang ulo at katawan.

Palaisipan pa rin sa mga kinauukulan ang dahilan sa pamamaslang, habang napag-alamang dating nagtrabaho sa isang small scale mining si Pascua subalit natigil na umano ito matapos na ipasara ang minahan dalawang buwan na ang nakalilipas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.