Ex-Member Ng Boyband, Andres De Saya Kay Female Newscaster

SINO ANG FORMER member na ito ng dating sikat na sikat na boyband na dati ring ‘young actor’ ang driver na lang daw ngayon ng kinakasamang female newscaster na ka-live in niya? ‘Andres de Saya’ daw ito.

Tsika pa ng aming source, hawak daw sa leeg ang nasabing ex-member ng boyband ng female newscaster. Grabe raw kung mandohan nito ang dating ‘young actor’ na pati ang komunikasyon nito sa kanyang mga mahal sa buhay ay ipinuputol na. Kahit daw ang mga anak nito sa kanyang unang asawa ay hindi rin nito puwedeng kausapin.

Kahit nga raw ang mga babaeng kaibigan niya ay bawal ding kausapin ni ex-boyband member dahil nagseselos ang nasabing female news caster. Kaya naman mistulang bilanggo ito at walang karapatang magdesisyon para sa kanyang sarili.

(By John Fontanilla)

loading...

One thought on “Ex-Member Ng Boyband, Andres De Saya Kay Female Newscaster

Leave a Reply

Your email address will not be published.