Ex-Mayor ng Carrascal, Surigao del Sur, Dinukot

PATULOY NA pinaghahanap ng kanyang mga kaanak at ng mga kinauukulan sa bayan ng Carrascal, Surigao del Sur ang dating alkalde na si Engr. Victor Lim Tan, 67, may asawa, residente ng Brgy. Enbarcadero ng naturang bayan at kasalukuyang manager ng Carrascal Integrated Enterprise.

Kamakailan pa napaulat na missing si Engr. Tan habang nagtatrabaho sa kanilang construction site/field office sa Catupgas Bridge 1 and 2, sa Sitio Catupgas, Brgy. Zone 3, Lanuza ng nasabing lalawigan.

Naipaabot na sa Lanuza police ni Julius Arco Arnego, 21, personal driver ng biktima, ang nasabing insidente.

Pilit umanong dinala ang biktima ng walong armadong kalalakihan sa bukiring bahagi ng nabanggit na lugar.

Napag-alaman din na dinukot na rin ang biktima noong taong 1997 sa Brgy. Diatagon, Lianga, Surigao del Sur nang bumisita sa construction project at pinakawalan pagkalipas ng ilang buwan. 

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.