Ex-loveteam Kathryn Bernardo and Kristoffer Martin shows will rival in the same time slot

HINDI NA NGA mapipigilan pang magtapat ang show ng dating magka loveteam via Endless Love, Autumn In My Heart na sina Kathryn Bernardo, mula sa hit ABS-CBN remake na Mara Clara, at Kristoffer Martin, na mula naman sa numero unong teen show na Tween Hearts at primetime soap na Munting Heredera ng GMA-7.

Ang show kasi ni Kathryn at Julia Montes at iba pang Star Magic teens ang itatapat sa Tween Hearts na may titulong Growing Up at siyang papalit sa Good Vibes, na ‘di nakayanan ang powers na pataubin ang Tween Hearts. Kaya naman daw kung dati ay magkasama sila sa show, ngayon ay mukhang ang show naman nila ang maglalaban pagdating sa ratings game.

Ito raw bale ang next project ni Kathryn after ng matagumpay na pagpapalabas ng Mara Clara, bukod pa sa pelikulang ginagawa nito sa Star Cinema kasama pa rin si Clara (Julia), Albie Casiño at Sam Concepcion.

Abangan  na nga lang daw kung mapapataob nina Mara at Clara ang GMA tweens. ‘Yun na!

 

READY NA ANG Philippine Movie Press Club (PMPC) sa paghahandog ng 27th Star Awards for Movies sa Hunyo 21 sa New Performing Arts Theater, Resorts World Manila, Pasay City. Mapapanood ito sa ABS-CBN, sa Hunyo 26, 2011, sa programang Sunday’s Best.

Tema ng mga sumikat na tambalan ng mga artista ang sentro ng pagtatang-hal. Maaaring ito ay tambalan ng lalaki at babae, kapatid sa kapatid, magulang sa anak, atbp. Sina Boy Abunda, Toni Gonzaga at Gretchen Barretto ang mga panguna-hing hosts.

Segment hosts sina Piolo Pascual-KC Concepcion, Kim Chiu-Gerald Anderson at Bea Alonzo-John Lloyd Cruz.  Tatanggap ng Ulirang Artista Lifetime Achievement Award si Christopher de Leon. Ang kapuwa niya mahusay na aktor, si Tirso Cruz III, ang maghahandog ng tropeo. At ang Star For All Seasons na si Vilma Santos at Megastar Sharon Cuneta, na kapwa niya naging leading ladies sa maraming pelikula, ang magbibigay ng tribute.
Ang Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera ay ipagkakaloob sa Regal Films producer na si Mother Lily Monteverde, at ang kanyang mga Regal Babies, tulad ni Snooky Serna, atbp, ang maghahandog ng tropeo. Maghahandog ng musical number sina Erik Santos, Richard Poon, Erich Gonzales, atbp.

 

MARIING PINABULAANAN NI Kris Bernal ang balitang may sakit siya kaya naman sobrang payat nito ngayon. Ayon sa magandang GMAAC star, choice niya raw ang magpapayat dahil malaki raw siyang tingnan sa TV.

Dagdag pa nito na malusog na malusog siya at walang sakit, kaya naman daw nagulat siya nang matanong namin kung totoong may sakit siya. Hindi na raw kasi siya masyadong nagkakakain at nasa-nay na ang kanyang body system na konting pagkain lang ay busog na siya, kaya naman daw naging sobrang bilis ng kanyang pagpayat.

Aminado nga raw ito na marami na ang nakapupuna na pumapayat siya kaya naman daw ngayon ay sinusubukan na niyang kumain ng marami para tumaba-tumaba nang konti. Gusto lang naman daw nitong sexy at payat sa TV kaya siya nagpapapayat. Kabog!

 

MULA SA INYONG lingkod at sa aming patnugot na si Mr. Danilo Flores, at sa lahat ng bumubuo ng Pinoy Parazzi, nais naming i-paabot ang aming pakikiramay sa pamilya ni Kuya German Moreno sa pagyao ng kanyang kapatid na si Mrs. Pilar Moreno-Nite na nakabase sa Amerika at siyang butihing ina ni Kuya John Nite. Muli, ang aming taos-pusong pakikiramay.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

12 thoughts on “Ex-loveteam Kathryn Bernardo and Kristoffer Martin shows will rival in the same time slot

  1. mas….bonnga ang mara clara…..and growng up noh…..ang papangit kya ng cast ng tween hearts…except…kristoffer…gogogoh,……kapamilya

  2. i love u kathniel………hope nga naa mg ka movie c kathryn og daniel thn love triangle wth kristoffer martin….wow ang excited…nman…nkkakilig…..cgoro…hooooh…i hate gma….4ever….

  3. Love Julia and Kath!!!  That Kris bernal sounds like she has some kind of eating disorder or something.. Should talk to a shrink…. Anorexia nervosa.. 

  4. pangit ka diyan. iyan ngang good vibes, bukod sa ang papangit ng mga artista, pati fans, ang papangit at engot. mangarap na lang kayong mga kapamil-yucks na mapapataob nyang mga taga mara-clara nyo ang Tweenhearts!!!! dream on, libre naman ang mangarap, lalo na sa mga losers na kapamil-yucks!!!!!

  5. sana mag remake si Julia ng Saan Ka Man Naroroon, bagay siya mag Rosenda, RoseMarie at Rosario! at ki Kathryn Esperenza..

  6. sana mag remake si Julia ng Saan Ka Man Naroroon, bagay siya mag Rosenda, RoseMarie at Rosario! at ki Kathryn Esperenza.

  7. sana mag remake si Julia ng Saan Ka Man Naroroon, bagay siya mag Rosenda, RoseMarie at Rosario! at ki Kathryn Esperenza

Leave a Reply

Your email address will not be published.