Ex-lovers Jolo Revilla and Lovie Poe, snubbed each other in Boracay?

HAY NAKU! AS usual sa bahay lang ako ‘pag Semana Santa kasi nakapagsisimba ako nang maayos, nagagawa ko ang dapat gawin sa simbahan tuwing ganitong panahon.

Ayoko mag-abroad dahil hindi mo man lang naramdaman doon ang Lenten season at ayoko rin sa ibang lugar dito, dahil talagang nagbabakasyon lang sila.

Siyempre, Boracay pa rin yata ang paboritong puntahan ng mga artista kaya nandu’n din ang halos lahat na showbiz talk shows at ibang programa ng mga TV network.

Paboritong bakasyunan ng mag-asawang Sen. Bong Revilla at Cong. Lani Mercado ang Boracay, dahil gusto raw ng mga anak nila at magkakasama silang lahat, pati mga apo nila.

Kuwento pa ni Bong, parang sinusunod na raw nila ang paniniwala ng mga matatanda na kapag ganitong panahon, dapat maglabas sila ng negative vibes at mas maganda raw kung nasa dagat ito. Nakapagsimba naman sila sa Boracay at sinisigurado raw nilang makapagsimba sila.

Nandu’n din pala ang pamilya nina Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama ang mga anak nila at ilang alaga.

Nandu’n din daw ang grupo ng Captain Barbell ni Richard Gutierrez kasama roon sina Lovi Poe, Solenn Heussaff, Michelle Madrigal at Ervic Vijandre.

Nasa isang hotel lang sila nakatira kaya hindi maiwasang nagkikita roon sina Jolo Revilla at Lovi.

Maraming mga reporters ang nakasaksing nag-iiwasan sila nang magkita sila sa lobby ng hotel. Pero nu’ng Biyernes Santo, nagkasabay silang mag-dinner sa Discovery Shores na tinutuluyan nila, si Jolo na mismo ang lumapit kay Lovi at kinumusta niya ito.

Ipinakilala naman daw ni Lovi si Jolo sa mga kaibigan niya at nagkausap naman sila roon. I’m sure tungkol sa lovelife ang pinag-usapan pero siyempre, alam n’yo naman si Lovi, laging no comment iyan.

Nandu’n din kasi ang ama ni Ronald Singson na si Gov. Chavit Singson at kuwento nito, dumalaw naman daw sa kanya si Lovi at nagkakuwentuhan sila.

Kuwento ni Gov. Chavit, dapat ay dadalawin daw nila si Ronald sa Hong Kong pero tatlong beses lang pala puwedeng dalawin sa loob ng isang buwan kaya sa May na lang daw sila pupunta uli.

Ewan ko lang kung kasama si Lovi, ha?

Naku! Marami pang kuwentong Boracay, at aba-ngan n’yo na lang sa Startalk.

Abangan n’yo na lang sa Sabado.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

2 thoughts on “Ex-lovers Jolo Revilla and Lovie Poe, snubbed each other in Boracay?