Ex-Kagawad, Binoga ng Chairman dahil sa buhangin

LEGAZPI CITY – DEAD on the spot ang dating barangay kagawad matapos na barilin ng isang barangay chairman dahil lamang sa paghahakot ng buhangin sa bahagi ng Brgy. Osmeña sa bayan ng Claveria, lalawigan ng Masbate.

Kinilala ang biktima na si Simplicio Bogero, 44, habang pinaghahanap pa ng mga kinauukulan ang suspek na si Chairman Victor Ballesteros, 48.

Una nito, bago pa man mangyari ang krimen, pinagbawalan muna ng biktima ang anak ng suspek na kumuha ng buhangin sa kanilang bakuran.

Dahil dito, agad na nagsumbong sa suspek ang kanyang anak at kinumpronta nito ang biktima hanggang sa hindi magkasundo at nagresulta sa pamamaril sa biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.