Ex-GFs ni Richard, welcome sa party ni Annabelle Rama – Chit Ramos

Nag-celebrate na si Annabelle Rama ng kanyang birthday a week ago. At pinili niyang dalawin ang ilang ampunan dito sa Metro Manila (with matching gifts sa mga ulilang bata) bilang paggunita sa kanyang nakaraan. Hindi naman lihim na sa isang ampunan sa Cebu lumaki ang misis ni Eddie Gutierrez at hanggang ngayon ay binabalik-balikan pa rin niya ito tuwing pumupunta siya sa Cebu.

Iyon nga lang, hindi yata maawat ang kanyang pamilya na bigyan siya ng isang bonggang party sa mismong kaarawan niya bukas, Martes (Oct.27). Tradisyon na yata ito sa showbiz bago mag-Araw ng mga Patay. At lagi itong star-studded. Pati mga sikat na pulitiko ay nakararating.

[ad#post-ad-box]

Pero, ang pinakahihintay this time ay ang pagdating ng mga chikas ni Richard Gutierrez, past, present and future. Nababanggit sa talaan sina Anne Curtis, Angel Locsin kahit ang socialite ex-dyowa niyang si Georgina Wilson. Siyempre, inaasahan ding dumalo sina KC Concepcion, Cristine Reyes at magkaroon nga kaya ng lakas ng loob ang “Babae Sa Dilim” na si Jewel Mische.

Lahat ng nabanggit nating pangalan ay close kay Annabelle. Mabait kasing bibiyenanin ang mommy nina Richard, Ruffa, at maging si Raymond. Last year, si Raymond ang tanging kausap ni Anne all throughout the evening. Si Georgina naman ay barkada ni Ruffa.I have been witness to their closeness and sweetness noong nasa Kapuso network pa ang dalaga at lagi silang magkatambal ni Richard.

Kaya nga kapag nabubulilyaso ang isang relasyon ni Richard, si Annabelle ang unang nasasaktan.

Kahit ang kanyang pamilya ang pursigido sa bonggang b-day party ni Annabelle, nagbilin naman ito na gawing exclusive ang okasyon. Exclusive rin ang lugar, sa Tangerine sa Greenhills.

Kung sa iba ay bawal ang mga nagpo-promote ng kani-kanilang project habang nagce-celebrate si Annabelle, this time hindi. “Miyerkules na kasi ang showing ng Patient X. Alangan namang hindi ito puwedeng pag-usapan. Baka gawin ko pang presscon,” natatawa niyang sabi.

Actually, hindi na humirit pa sina Annabelle sa PG 13 na rating ng horror movie. “Hindi puwede ang mga bata, nakakatakot talaga. Tama na iyon, kaysa naman maputulan pa ng magagandang eksena, sumige na lang kami sa PG 13.”

TIYAK NA MAPAG-UUSAPAN din sa b-day ni Annabelle ang napakagandang Maalaala Mo Kaya episode ni Cristine na ipinalabas noong Sabado. Kasama niya sa Sulo episode ang napakagaling na si Irma Adlawan at ang comebacking drama actor na si Julio Diaz. Isama pa ang mga batang katulad ni Sharlene San Pedro at director na si Nuel Naval.

Natotoka talaga si Cristine sa mga de-kalibreng project na pawang magbibigay sa kanya ng acting award, kahit hindi niya inaasahan.

Sayang at hindi gaano’ng maingay ang MMK noong Sabado. Hindi tuloy nalalaman ng mga televiewers, kung gaano kaseryoso ang tema ng episode.

Tiyak na aani na naman ng papuri si Cristine dahil sa MMK episode na ito  tulad ng Kahit Isang Saglit, Eva Fonda at Patient X.

BULL Chit!
by Chit Ramos

loading...

12 thoughts on “Ex-GFs ni Richard, welcome sa party ni Annabelle Rama – Chit Ramos

  1. SI KC C po ang real gf now..ang inspiration ni Mr. Richard Gutz…. puro write-ups lang yung kay Jewel..pipilitin kasi isalba ang career,nagpapagamit na nga si Chard,pero parang wa-epek pa rin tsk tsk tsk…

  2. babae sa dilim hahaha..enjoy na enjoy naman…hay naku shobiz..gamitan ever….si KC Concepcion po ang real girlfriend ni Chard. tong mga reporter nagmamaang-maangan pa.itanong niyo pa kay Ricky Lo hahaha…. magkaiba ng network ang dalawa kaya di pede ang PDA and makita in public…hay naku, peste kasing network war yan d na lang gayahin ang hollywood.

  3. marami talagang mga ipokrita ang gumagamit sa kahirapan. si anabelle pa na kung manlait sa mga mahihirap at sasabihing mga patay gutom at hampas lupa. ngayon ayan dahil lang sa may pelikula at gustong kumita ayan sa isang hiwa ng manok at spaghetti na mas malabnaw pa sa kulay ng kanyang buhok na ipinamimigay sa mga bata nakakuha na naman ng simpatya para lang may manuod sa kanilang pelikula.

    kawawang mga mahihirap at akala ko tao etong chit na writer na eto, sa tinagal tagal na nyang sumusulat ay hangang praise pa rin sya sa mga nag papakimkim.

    pakisabi naman sa lahat na tigilan na ang pag gamit sa mga mahihirap (kuno).

  4. ACCOMPLISHMENT NI WILLIE REVILLAME

    Malayo na talaga narating ni Willie. Tingin ko wala pang artista nakakagawa ng mga achievements nya so far.

    – Highest paid sa lahat ng artista. P4 million tax per month it means nasa P35-40 million/month ang total earnings nya from TF plus endorsement here and abroad. 2nd si Sharon na P4 million/month and 3rd si Kris P3.3 million/month.

    – YES Magazines sold 360,000 copies when they featured Willie last January ’09, is the highest sales in magazines history.

    – He owns the biggest lots in Tagaytay Highlands.

    – YES Magazine #1 Most Powerful in Showbiz for 2009.

    – Lalabas na sa November ang Personal Design nyang TECHNOMARINE at sa January ung Will Cologne for BENCH/ naman.

    SHOWS:
    – Last January ’09, his show in DUBAI a total of 22,000 ang pumunta and it’s a record breaking sa lahat na nag-show duon kahit na ang total capacity ng area ay 20,000.

    – Sept.3, 2006 dinagsa ng tao ang Thomas and Mack na kung saan tinalo nila ang concert nila Mariah Carey at Justin Timberlake sa daming nanood. Dahil dito, binigyan sya ng recognition ng Governor ng Las Vegas kaya dineklara na ang Sept. 3 ang Willie Revillame’s Day. 1st Filipino celebrity so far.

    – Ang kanyang provincial shows: Davao (120,000), Cagayan De Oro (150,000) at P150,000 (Cavite) ito ay ayon sa PNP.

    – Ung Wowowee in ARANETA Coliseum for sports event last June 13 (sat). He announced nung June 10 (wed) na pwd ng bilhin ang ticket sa Araneta Coliseum pagdating dun ang haba na ng pila sa ticket booth. Ang shows start ng 5pm pero 1:30pm pa lang ang haba na ng linya at 4 rows pa nga. Sabi nung nakausap ko eh Friday pa lang sold-out na ticket. It means willing magbayad ang tao para makapanood lang ng Wowowee. 3pm pa lang puno na tao sa loob ng ARANETA. Dumagundong ang ARANETA nung pumasok ang ASF Dancers followed by Willie and co-host.

    Last July 2, biglang dumalaw si Richard Gomez sa WOWOWEE at gusto nya na magkaroon din ng basketball game si Willie sa ORMOC dahil tatakbo sya dun pero indi ito natuloy.

    – Last Aug.2 ininvite sya ni Cesar Montano na mag-show duon para sa b-day celebration nya sa BOHOL. Dahil tatakbo sya bilang governor. Ang total attendance nasa 50,000-60,000 ang pumunta.

    – Ang AYALA company made a surver sa atin BALIKBAYAN kung saan nila gustong pumunta pag-uwi ng PILIPINAS. Ang #1 ay WOWOWEE.

    WHO ADMIRES HIM:
    – Ung Prime Minister ng Bahrain favorite ang Wowowee. Naibalita ito sa TV Patrol World last Oct.16 ng mag-donate ito ng P25 million sa Sagip-Kapamilya. Pati ung may ari ng Jollibee, National Bookstore, asawa ni Danding Cojuangco at si US Ambassador Kristie Kenney na nag-guest pa last December 2008. She invited Willie to be there host for Fil-Am Friendship Day last July 3.

    – Last July 31, pinaalam ni Willie na may nagbigay ng 3 envelope sa bahay nya at pagbukas may lamang pera (P500T, P750T, P750T). Ang ginawa nya ay binahagi nya sa iba’t ibang institution.

    – Madaming politician ang lumalapit sa kanya para i-kumpanya sila sa National at Local election.

    – Sa darating na election kakapit ang mga pulitiko sa mga sikat na artista. Kaya kinuha agad sya ni Manny Villar na ang balita eh P300 million ang bayad plus nakipag-sosyo pa sa kanyang Will Tower Mall.

    …sa darating na Election ay kinuha na ni Kris Aquino lahat ng mga sikat ng Kapamilya at tanging si Marian at Dingdong sa Kapuso para kay NOYNOY. I think sila lang at Richard Gutierrez ang pwdeng kunin dun sa GMA-7. Kay Joey De Leon ba may kumukuha bang politician? parang walang nagtiwala sa kanya ah.

    …bat lagi na lang sinisiraan ni Joey si Willie. Ito ay nagsimula last 2006 na kung saan naging #1 ang WOWOWEE until now. Mula sa TV, dyaryo pati sa YouTube under EvenDemata. Dahil sa hindi nya matanggap na natalo sya di lang sa ratings pati sa mga accomplishment. At pati mga writers na malapit sa kanila ay inakit nya gumawa ng bad publicity like Tita Swarding pero sa huli, talo pa din sila. Mahal pa din si Willie ng tao at di iniwan ng mga endorser nya. Nagsasalita lang si Willie pag tinitira sya ni Joey. Ang latest kinuha na ng Eat Bulaga si Ryan Agoncillo. Ang tanong kaya ba ni Ryan pataubin ang WOWOWEE. Sana sinama na nila si Marian , Richard at Dingdong.

    …ang aral dito ay huwag mainggit pag ang tao ay nagtatagumpay imbes magsumikap at gumawa ng mabuti. Kaya kung iisipin nyo sino ba sa kanilang dalawa ang nagtatagumpay sa ngayon.

    …bat nga ba minahal ng tao si Willie kahit nagpapahiya ng staff at bastos. Siguro ang nakita ng tao ay yung pagtulong nya sa kapwa. Dahil lahat naman tayo ay makasalanan kaya nagtataka ako dahil kung pano mamintas si Joey at Tita Swarding parang wala silang nagawang kasalanang nagawa.

    Note:
    Kung may magr-react dito make sure justifiable wag sasamahan ng bitterness kasi nakikita ko mga comments ng Kapuso parang hindi nag-aral kung mag defend na tila di connected sa article na nabasa basta may masabing lang pangit.

Leave a Reply

Your email address will not be published.