Ex-Congressman, Nanutok ng Baril sa 4 na Menor de Edad

APAT NA menor de edad ang nagsampa ng reklamo laban sa isang dating kongresista ng Bulacan matapos na paputukan ng baril ang mga ito habang namamasyal at naglalaro sa kanyang palaisdaan.

Si ex-Congressman Ricardo “Carding” Silverio, asawa ng kasalukuyang mayor ng San Rafael, Bulacan ay inireklamo ng apat na bata sa piskalya sa Lungsod ng Malolos.

Sina Samantha Maniol, 13; kapatid na si Erica, 12; kasama ang kanilang pinsan na si Leonardo Maniol, 12; at kapitbahay na si Rodelio Valdez, Jr., 9 ay nagharap ng reklamo laban kay ex-Cong. Silverio dahil sa pagpapaputok, panunutok ng baril at pananakot. Inireklamo si Silverio ng paglabag sa RA. 7610 o Anti- Child Abuse Law, Illegal Discharge of Firearms, Illegal Possession of Firearms at Grave Threat.

Base sa reklamo na isinampa sa piskalya ng Malolos, nabatid na noong Nobyembre 12, 2012, naglalaro ang mga bata sa maliit na kalsada ng palaisdaan sa Brgy,Maguinao na dala ang kanilang bisikleta. Habang sila ay nakaupo sa pilapil ay narinig nila na may paparating na sasakyan at ilan saglit lamang ay bigla na lamang sila nakarinig ng putok ng baril. Sa kanilang takot ay tumalon ang mga bata sa pa-laisdaan. Habang gumagapang sa pag-ahon ang apat na bata ay narinig nila ang ikalawang putok ng baril.

Nagmamadali sa pag- ahon ang mga bata subalit sinalubong sila ng sasakyan. Nagbaba ng bintana ang pasahero ng sasakyan na nakilalang si ex-congressman at sinabi na iwanan ang bisikleta at huwag nang babalik na lugar na iyon.

Ngunit ayaw pumayag ang 9 na taong gulang na si Rodelio, kaya pinilipit nito ang braso ng bata at tinutukan ng baril sa leeg. Noon ay bumaba ang isang babae at kinuha si Rodelio upang ilayo at pinauwi ang mga bata. Habang naglalakad ay sinundan naman sila ng isang sasakyan na may pulang plaka at sinabihan na ipatatawag ang kanilang mga magulang.

Pinatawag ni ex- congressman ang kanilang magulang at sinabihan na sawayin ang kani-lang mga anak na huwag maglaro sa kanyang palaisdaan. Bagama’t humingi ng paumanhin sa kanyang ginawa, nagbanta naman na huwag na itong maulit.

Ayon kay Marilyn Agapito, ina ng magkapatid na sina Erica at Samantha, sinabi ng ex-congressman na, “Sawayin ang inyong anak at kung hindi baka machine gun ang gamitin ko at sa morge n’yo na makukuha ang inyong anak.” (TONY DELA PEÑA )

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.