Ex-Con, Tiklo sa Pagpuslit ng mga Armas sa Cebu

NAARESTO NG mga kinauukulan ang isang ex-convict dahil sa pagpuslit nito ng mga armas sa V. Rama St., Brgy. Calamba, sa lalawigan ng Cebu.

Nakilala ang suspek na si Napoleon Go Arda Jr., 33, na nakunan ng maraming armas sa kanyang inuupa-hang bahay. Ngunit itinanggi ng suspek na siya ang may-ari ng mga nasabing baril.

Dagdag nito, sinasabing may apat pang kasamahan ang suspek ngunit nakatakas ang mga ito.

Habang ang mga nakuhang baril ay kinabibilangan ng dalawang .22 caliber, isang .38 kalibre na baril, isang .45 cal., shotgun at iba’t ibang klase ng bala.

Ayon naman kay IDMB C/Insp. Bonifacio Garciano, ang suspek ay may kasong homicide at tatlong beses na ring pabalik-balik sa kulungan.

Nakatakdang sampahan ng kasong Illegal Possession of Firearms and Ammunitions si Go, dahil sa mga armas na nakita sa kanyang kwarto na walang mga lisensya.

Samantala, nagsagawa na ng hot pursuit operation ang Investigative Detective Management Branch-7 sa apat pang suspek na nakatakas. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

 

 

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.