Ex-Con, Inutas

HINDI NA tuluyang nakapagbago ang miyembro ng Bahala na Gang nang pagbabarilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay naghuhugas ng paa sa tapat ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Dead on the spot sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo si Alfredo Dizon alyas Fred Timang, 44 ng Phase 9, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-8:20 ng gabi, galing sa inuman, umuwi ang biktima at habang naghuhugas ng paa bago pumasok ay dumating ang suspek at walang salitang pinaputukan si Dizon.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek kung saan sa pahayag ng ka-live-in ng biktima ay nagpapakatino na ang biktima.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek at ano ang motibo.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.