Ex-Brgy. Chairman, tinira sa mukha

DEAD ON arrival sa St. Dominic Hospital sa Bacoor ang isang da-ting barangay chairman matapos na barilin sa mukha ng isa sa tatlong hindi nakilalang suspek habang nakatayo sa tapat ng isang construction sa Bacoor, Cavite kamakalawa ng umaga.

Kinilala ni Supt. Romano Cardino, hepe ng Bacoor PNP ang biktima na si Severino Nario y San Jose, 53- anyos at residente ng 3143 Sto. Niño St., Brgy. Niog 3.

Mabilis namang tumakas ang tatlong suspek sakay ng isang traysikel na may plakang WU 6034 patu-ngong Barangay Panapaan dala ang baril na ginamit sa krimen.

Sa imbestigasyon ni PO2 Michael Legaspi, Jr., may hawak ng kaso, dakong alas-10:45 ng umaga habang nakatayo ang biktima sa harapan ng Kane Housing Construction Site kasama si Engr. Edwin Arreza y Luarez, 39, may-ari ng E and E Construction Company nang lapitan ng isang lalaki.

Hindi naman pinan-sin ng dalawa ang paglapit ng suspek sa pag-aakalang nakikimasid lamang ito ngunit walang kaabug-abog na binaril nang malapitan sa mukha ang biktima.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan sa suspek at ang traysikel na sinakyan ng mga ito upang papanagutin sa ginawang krimen.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.