Ex-Brgy. Captain, Utas sa Riding in Tandem

BINARIL NG riding in tandem ang dating barangay kapitan ng Brgy. Alinggan, Bayambang, Pangasinan.

Kinilala ang biktima na si Benigno Junio, 48, may asawa at residente sa naturang lugar.

Bandang alas-7 kamakailan pinaslang ang biktima ng riding in tandem sa kahabaan ng barangay road sa nabanggit na lugar.

Agad namang dinala ang biktima sa Bolingit Hospital sa lungsod ng San Carlos.

Narekober ang isang slug ng caliber .45 sa pinangyarihan ng krimen.

Samantala, patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga kinauukulan sa naturang insidente. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.