Ex-Brgy. Captain na-praning, namaril; 3 KAGAWAD, 1 SK CHAIR PATAY

NAGING MALAGIM ANG pulong ng mga barangay officials nang masawi ang  Sangguniang Kabataan Chairperson at tatlong kagawad ng barangay Linggo ng umaga sa Silay City, Negros Occidental.

Kinilala ang mga nasawi na sina Aimee Occenia, SK Chair, mga kagawad na sina Pedrito Orosio, Luzminda Cutamen at Freddie Juno

Sugatan naman si Punong Barangay Ramon Celebre gayundin sina Kagawad Salvacion Corugda at treasurer ng barangay na si Leni Llorca habang nakatakbo ang kapatid ng suspek na si Kagawad Norie Torres.

Nakatakas naman ang suspek na si Noel Ayalin, dating Punong Barangay.

Ayon sa misis ni Celebre, narinig na lamang niya ang sunud-sunod na putok sa barangay hall.

Sinabi naman ni Kagawad Joey Andrade sa Silay City PNP na nakasalubong pa nila si Ayalin subalit hindi naman nila nakitaan na galit ito.

May hinala ang otoridad na posibleng ang hindi maipaliwanag na gastos na umabot sa P1 milyon sa panahon ni Ayalin ang dahilan ng pamamaril ng dating Bgy. Captain.

Samantala, isinusulat ang balitang ito, napaulat na kritikal ang kundisyon nina Celebre at Corugda.        (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.