Ex-Brgy. Captain, Inutas sa Bisperas ng Pista

DEDBOL  ANG dating punong barangay sa West Habog-Habog, Molo, Iloilo City matapos pagbabarilin Sabado ng gabi, bisperas ng pista sa lugar.

Si dating punong barangay Vitorio Quimsing ay nagtamo ng tatlong sugat sa ulo at isa sa likod at dinala pa sa Iloilo Doctor’s Hospital subalit hindi na naisalba pa ng mga doktor.

Nakaupo ang dating punong barangay sa tindahan nang ito ay lapitan ng tatlong suspek at saka pinagbabaril.

Pinaniniwalaang pinagplanuhan ang pagpatay sa dating punong barangay subalit hindi pa matiyak ang motibo nito.

May namamagitang alitan sa pagitan ng biktima at sa kapatid nito at ito ay isa sa mga sinusundan sa imbestigasyon.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.