Ex-Bold Actor, Tinanggihang ‘Kantahan’ Ng Isang Bading!

MARAMING PHASES NA ng buhay ang sinuong ng dating young actor na ito na miyembro ng now-defunct youth-oriented program. When he was way past his teenage years, sinubukan niyang mag-bold, but he always ended up getting the second lead.

Next thing, the bold actor met a bold star, palibhasa iisa lang ang kanilang mother studio that produced run-off-the-mill, skin flicks na walang kawawaan. Mula sa relasyon, nagpasya na silang magsama, kapwa huminto na sa pagbo-bold.

The then-bold actor found a fallback to support his common-law wife na dati ngang bold star: Ang pamamasada ng taxi. Now thirthysomething, may trace pa naman ng kaguwapuhan ang ating bida na siyang ginagawa niyang pang-akit sa mga baklang pasahero.

Just recently, may isinakay na baklang pasahero ang dating aktor. In-offer daw nito ang kanyang katawan sa deal na hindi raw kinagat ng pasahero. Ang gusto kasing mangyari ng former bold actor, “awitan” siya ng bading sa mismong loob ng taxi!

Clue: Isyogo na lang natin siya sa neymsung na Michael Marino.

(By Ronnie Carassco)

Previous articleNapakabata Pa Nila Para Manigarilyo, ‘No!
Next articleDating Sikat Na Aktres, ‘Kapit-Tuko’ Sa Dyowang Bagets!

No posts to display