Ex-bf ng kilalang singer/actress, sangkot din
Vhong Navarro, malalaking tao ang nakabangga?

Vhong-NavarroNAKAKALOKA ITONG nangyari kay Vhong Navarro, ha?! Hindi na talaga matiyak ang security natin, na kahit ang kagaya ni Vhong na kilala, nagawan ng ganu’ng kahayupan.

Sa lahat ba naman na nagawan ng ganu’n, si Vhong pa na napakabait at hindi siya pumapasok sa ganu’ng gulo.

Hindi pa nagsalita si Vhong, kundi si Direk Chito Roño lang muna ang nagsalita dahil ayaw ng abogado nilang magsalita sila at iniimbestigahan pa ito.

Kaya ang daming naglalabasang kuwento tungkol sa naturang gulo. Ang nakakaawa si Vhong, dahil bugbog-sarado na nga, pinagbibintangan pang nang-rape daw. Diyos ko, ‘day! Mangri-rape ba siya?

Kaya nag-react si Direk Chito na bakit ngayon lang lumabas ang ganu’ng police blotter. Samantalang naghanap sila sa lahat na mga police headquarter sa Taguig, walang lumabas na record ng blotter.

Nang lumabas na ito sa news, saka naman may lumabas na ganu’ng blotter. Kaya inimbestigahan na ito ngayon ng NBI, dahil ang dinig ko, malalaking tao itong gumawa kay Vhong.

May naririnig na kami kung sino, pero mahirap pa munang isulat kung sino sila dahil hindi naman kumpirmado ‘no!

Basta ang dinig ko, ang isa sa mga involved ay ang dating dyowa ng isang kilalang singer/actress.

Hay, naku! Saka na lang muna kapag meron nang resulta ang imbestigasyon ng NBI.

Ngayong araw yata ay ooperahan si Vhong dahil nasira raw talaga ang ilong niya. Kaya sana gumaling na siya agad para magsalita na siya kung sino talaga ang may kagagawan, at bakit umabot sa ganu’n.

Marami namang mga kaibigan si Vhong sa showbiz na patuloy na nagdarasal na malagpasan niya ito. Sana nga lumabas lang ang katotohanan at mabigyan ng hustisya itong kahayupang ginawa sa kanya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

6 thoughts on “Ex-bf ng kilalang singer/actress, sangkot din
Vhong Navarro, malalaking tao ang nakabangga?

  1. In fairness, I thought she would side sa GMA starlet – kase as usual she always will defend their stars pero at least she wrote the right story and sana mabigyan ng Justice si Vhong!!! Agree ako dito… sana makulong na si Cedric, Deniece at ibang kasamahan nila. What about the sister of Cedric how come her name is always mentioned pero she has never come forward. Gawa gawa talaga ito ni cedric kasi bugbog serado cyasa missis nya.

  2. Sino kaya Kay vhong at Kay cedric ang may record na bayolente? Sino kaya sa kanila ang mas willing na sirain ang kanyang pangalan o sanay sa gulo? I check nyo din ang latest instagram ni Vina Morales. Itong si Cedric kala mo naman Hawak Nya ang gobyerno. Oo nga Siguro makapangyarihan ka pero sunog na sunog ang kaluluwa mo. Sige lang, may hangganan ang lahat!

  3. Tamaa :(( Kung narape sya talaga sana hindi na nya inatras yung kaso, apo pa naman daw sya ni Rod Cornejo. Kayang kaya nilang ipakulong si vhong kung totong nirape nga sya nito. At isa pa, kung nirape man sya ni bong walang karapatan ang mga bumogbog skanya na saktan sya dahil ang dun, hindi sila batas para gawin yun. Mayaman naman pala sila ee sabi ni Cedric bakit hindi nila ituloy ang kasong attempted rape para maparusahan ng tama hindi yung nilalagay nila sa kamay nila yung batas. Tao parin si Vhong, hindi sya kailangan ganunin. Nakakaawa sya, bugbog sarado. Tas sasabihin ni Cedric hindi nila binugbog si vhong? hindi pera habol nila dahil mayaman sila. Ayun naman pala ee bakit kailangan iatras ang kaso laban skanya? kung ikaw ay isang babae at tinanggka kang gahasain ng isang sikat na artista, ma-aattempt mu bang iatras ang kaso at isa walng bahala na lang lahat? To think na isa syang sikat na artista na makikita mu lagi sa Tv, ma-aattempt mu na makita lagi sa tv ang taong gusto kang gahasain? Wow huh ! Tas eto pa sa yaman nyo na alam mung kayang kaya nyong magbayad para makulong sya pag sinampahan sya ng kaso. Bakit kailangan iatras? Aber? Naku ! naman kay ganda mu pa naman tas ganun lang? Mayaman kapa , at may pinag aralan ka pa. DB? Alam mu ang tama at mali. Alam mu kung anu ba dapat talaga ang gawin. Kaya nyo naman pala higitan ang 2M ee, bakit kailangan iatras. Hindi kaba matutuwa na masisira si Vhong, pag nakulong sya? Hayaan na natin ang NBI ang tumuklas kung sinu talaga may SALA.

  4. Oo nga parang malalaking tauhan yata ang nabangga ni bong. Apo ba or neice ba itong si Deneice kay Rod Cornejo. Asawa ba itong si Rod at Mel Tiangco at anak ba nila itong si Wency Cornejo, bakla ba itong si Wency? Totoo bang best friend sina dingdong at cedric lee? Sana wala si dingdong dun nung nangyayari yun. Parang liberated tingnan itong si Deneice, ang mukha nya parang sina Georgina Wilson, Anne Curtis, Solenn Heusaff, parang pretty face with a hidden wild side. Parang walang proper guidance from parents. May picture daw itong si Deneice na inipost sa instagram na sinabing my lolo Rod at lolo gozon. Di ba nagging 20 years president itong si Rod Cornejo sa GMA at mag besfren itong si Gozon at Rod? Malalaki nga ang maging kalaban ni Vong. Maski may kasalanan si Bong, there were 6 men reported in that condo, they did not have to bogbog him, they could have just all held him and not hurt him until the police arrived. Violence in any form is wrong. Bong was out numbered by those goons kaya their lives were not threatened. Di ba may interview si Vina Morales nun sa kasagsagan sa Ai Ai and Jed Salang abuse case? Nagpa membro kasi si Vina sa 9262 Club, and I think this is the club for women againt violence and abuse. E google ko nga.

    • Sana walang sex video itong si Vina kay Cedric kasi sabi ng kaibigan ko, baka raw ma extort na naman itong si Vina ng milyones from Cedric. Extortion business ba ang business nya? Just asking lang naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.