Ex-Bf Na Nag-Hack Ng FB Account Ng Ex-Gf, Tiklo

 

KINASUHAN NG Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)-Anti-Transnational And Cybercrime Division ang isang lalaking nag-hack sa facebook ng kanyang dating kasintahan sa Pasig.

Batay sa reklamo ng biktimang itinago sa pangalang “Dominique”, hinack umano ni Gerald Santos Chan ng Moonwalk, Parañaque ang kanyang facebook account at maging e-mail at binantaan siyang ilalagay at ikakalat sa web ang kanilang larawan sa isang motel kung hindi ito makikipagkita sa kanya.

Natimbog naman ang nasabing suspek sa isang bar sa Metrowalk matapos niyang isumbong sa cybercrime division ng CIDG.

Nadiskubre pa ng mga kinauukulan na nasa cellphone ng salarin ang video ng pang-aabuso nito sa kanyang ex-girlfriend sa isang motel.

Kasong hacking at paglabag sa anti-violence against women ang isinampa ng CIDG laban kay Chan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.