Ex Battalion, sasabak sa sing and dance movie with Ai Ai delas Alas

Ex Battalion with Ai Ai delas Alas

SUBOK NA ang underground rap group na Ex Battalion kung gaano sila magaling.

Dahil sa talent nila, milyun-milyon ang nabuo nilang fan base na nakakatuwa nga isipin na ang mga tulad nila ay naiaangat ang buhay na mula sa patambay-tambay lang na nagra-rap sa kanto or sa mga tambayan nila, financially ay nakakatulong sila sa kanilang mga pamilya.

Successful sila as a rap group. Numero Uno, ‘ika nga kaya nang iko-managed sila ni Ai Ai delas with Viva Artists Agency ay mas naging bongga ang takbo ng career nila as a group.

Patutunayan ang pagkasama nila sa pagbabalik-pelikula ni Ai Ai na manager nila sa pelikulang Sons of Nanay Sabel (SONS) na produced ng Viva dahil sila lang (XB) ang co-star ng komedyante kasama ang seksi na si Kylie Versoza.

Hirap man umarte sa first acting job nila, nairaraos naman ng anim (13 sila pero six lang ang unang nakilala ni Ai Ai kaya sila lang ang pinapirma niya sa management contract na personally ay hina-handle ng komedyante) ay nairaos din nila ang musical movie nila. Yes, sing and dance ang Ex Batallion sa pelikula.

Kahit may isa diumano na nakaka-take 10 sa eksena at ang pinaka-worst ay ang isang XB member na naka-take 17 ay nairaos naman nito after masanay humarap sa kamera at matiyagang naturuan ni Direk Dado Lumibao kung ano ang gagawin sa kanyang eksena.

First musical movie ito ni Ai Ai na sa trailer na napanood namin ay naaliw na kami sa pinaggagagawa ng Box-Office Comedienne.

Si Kylie naman plays the love interest ng anim na XB.

Originally naka-schedule ipalabas ito this Wednesday, May 1, na sa bagong playdate ay rescheduled ang pagpapalabas next week May 8 ng pelikula.

Reyted K
By RK Villacorta

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.