EX-ARMY TIKLO SA SALISI NG CHATMATE

RIZAL – ARESTADO ANG isang ex-army matapos na ireklamo ng kanyang chatmate na nagnakaw ng kanyang mahahalagang gamit at mamahaling cellphone kamakalawa ng hapon sa Antipolo City.

Kinilala ni Antipolo City Chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang suspek na si John Paul Guinacaran, 28 anyos, binata, residente ng  #84,  Zone B, Camp Aguho, Brgy. Aguho, Tarlac.

Ang suspek ay inireklamo ni Edna Miralles, 49 anyos, balo, residente naman ng Blk 5A, Lot 7, Latina St. Thrills of Mia Alta, Brgy. Dalig, ng nabangit na lungsod.

Sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-4:00 ng hapon sa loob ng McDonald’s food chain na matatagpuan sa P. Oliveros St., Brgy. Dela Paz, Antipolo City.

Sa salaysay ng biktima, nagkakilala sila ng suspek sa pamamagitan ng Yahoo Mail, kung saan sila ay na-ging chatmate at nagkasundong mag-eyeball.

Ayon pa sa biktima, ang suspek ay nagpakilalang balik-bayan at kagagaling lamang sa London at wala pang hawak na cash, kung saan nanghiram ng P1,500 para mag-withdraw sa kanyang ATM.

Makalipas ang ilang oras ay bumalik ang suspek at sinabing off-line ang kanyang ATM hanggang sa nagkayayaang kumain muna.

Nang magpunta sandali ang biktima sa comfort room, sinamantala ng suspek at biglang tumalilis dala ang kagamitan ng biktima, kung kaya’t agad na humingi ng tulong sa pulisya at nakontak ang suspek sa pamamagitan ng ninakaw na cellphone.

Lingid sa kaalaman ng suspek, pulis na ang kanyang ka-text, kung saan ay nagkasundong magkita sa nasabing food chain at dito na naaresto ng pulisya.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.