Ex-Army na Suspek sa Murder, Nakapuga sa mga Parak

PUTOK NG baril ang sumalubong sa mga awtoridad ng Albay Police Provincial Office at Libon Municipal Police Station matapos ang kanilang plano sanang pagdakip sa dating miyembro ng Philippine Army na nahaharap sa kasong murder.

Sinabi ni P/ Supt. Paulino Belga na bandang alas-2:25 kamakailan nang bigla na lamang natunugan ni Gilbert Concepcion y Saysay ang mga alagad ng batas papunta sa kanyang pinagtataguan at agad itong nagpaputok.

Ilang minuto pa nang biglang dumating ang ilang mga tropa ng nasabing salarin at pinaulanan ng bala ang mga kinauukulan.

Hindi naman nagawang mapasok pa ng mga pulis ang lugar dahil sa inabutan na ito ng dilim saka umatras. (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.