Ex-Army na ‘Warshock’, Nagbigti

CEBU CITY – PATAY ang isang dating Army sergeant matapos itong magbigti sa rooftop ng kanilang bahay sa Brgy. Tisa, Cebu. Kinilala ang biktima na si Ahmid Caburnay, 42, na nakadestino noon sa Mindanao.

Galing umano sa rehab ang biktima matapos itong ma-warshock dahil sa trauma ng pagiging sundalo, ayon kay SPO4 Rey Cuyos ng homicide section ng Cebu City Police Office.

Napag-alaman na kahapon lang umano ito pinalabas ng kanyang pamilya sa rehab dahil na rin sa kawalan ng pera.

Pagkatapos nilang maghapunan, umakyat umano ito sa kanilang rooftop at doon na nagbigti gamit ang lubid na itinali sa bubungan. Nakita na lang ito ng kanyang 12-anyos na anak na naka-bigti at wala nang buhay.

Nakatakda namang isailalim sa autopsy ang bangkay ng biktima.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.