EWAN kung pinagtatakpan lang ng mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang aktor na ito na nasangkot umano kamakailan sa isang drug raid.

EWAN kung pinagtatakpan lang ng mga malalapit na kaibigan sa showbiz ang aktor na ito na nasangkot umano kamakailan sa isang drug raid. Ayon kasi sa latest item about the actor, nasa ibang bansa ito ngayon.

Ayon sa aking souce, nasakote ng awtoridad sa isang establishment (na may pangalang lugar sa Amerika) sa Metro Manila (eastern part) ang aktor. Kung bakit nagkaroon ito ng media blackout is   already  an  obvious   sign:  inareglo umano ng aktor ang mga humuli.

In-identify rin ng aking source ang pinagkukunan ng droga ng aktor. Minsan nang ipinalabas sa Imbestigador ng GMA ang isinagawa nitong pagsalakay, kasama ang ilang tauhan ng PDEA (Philippine Drug Enforcement Agency), sa talamak na lugar na ‘yon in the southern part of Metro Manila.

Detalyado lang ang recent case tungkol sa aktor na ito, pero hindi na bago ang drug-related side of him. Marami nga ang natuwa sa kanyang pagbabalik-showbiz last year even if he lost his youthful looks, pero ‘pag nakaririnig uli ng ganitong kuwento tungkol sa kanya, he had better say goodbye to showbiz for good.

(Ronnie Carrasco)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.