Ever Gotesco Grand Central, Higit 2 Araw Nasunog

FIRE UNDER control na ang Ever Gotesco Grand Central na ikinasugat ng may 17 bumbero sa Caloocan City kamakalawa ng gabi na tu-magal ng higit sa dalawang araw.

Bagama’t under control na ay hindi parin tuluyan naaapula ang apoy habang isinusulat ang balitang ito.

Umabot sa Task Force Delta ang naganap na sunog sa limang palapag na gusali na matatagpuan sa kabahaan ng Rizal Avenue Extention, Grace Park ng nabanggit na lungsod na pag-aari ni Jose Go, 65, at naninirahan sa Manila, kung saan ay pinaniniwalaan na multi-mil-yong piso ang halaga ng mga ari-arian na naging abo.

Ayon kay FO3 Benedicto Tudla, ng Caloocan Fire Station at may hawak ng kaso, dakong alas-10 ng gabi nang magsimula ang sunog ang kisame ng shop ng Rusty Lopez shoes sa unang palapag ng nasabing gusali.

Nang sumiklab ang apoy ay kaagad na binasag ng mga security guard ang glass door ng mga fire extinguishers subalit mabilis na kumalat ang apoy sa celling area at iba pang tindahan sa loob ng Ever Gotesco Grand Central.

Ayon sa ilang naunang rumespondeng mga bumbero, hindi sila agad pinapasok ng mga guwardiya ng mall.

Nang papasukin ay nahirapan na ang mga bumbero na apulain ang apoy dahil sa mga nagbabagsakan na mga nagliliyab na bagay.

Nabatid na noong Oktubre 24, 1991, nasunog na rin ang nasabing mall kung saan tumagal ng dalawa’t kalahating araw bago naapula ang apoy. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

One thought on “Ever Gotesco Grand Central, Higit 2 Araw Nasunog

  1. Kaya tumagal ang sunog sa Ever Gotesco Grand Central dahil yung mga bumbero pinalano nilang patagalin para manakawan nila ang loob ng malls. siguradong maraming nakuhang mamahaling bagay ang mga bumbero. kudos sa kanila may mabebenta silang mga gamit ngayon. lol

Leave a Reply

Your email address will not be published.