Evacuees sa Zambo Siege, Lalong Tumaas

UMAABOT NA sa kabuuang 67,316 ang bilang ng mga apektadong residente dahil sa nagpapatuloy pa ring standoff sa Zamboanga City.

Ayon kay City councillor Roel Natividad, kabilang ang ilang pamilya na tumangging manatili sa mga itinalagang evacuation centers ng pamahalaan.

Sinabi pa ni Natividad na hindi problema sa ngayon ang suplay ng pagkain at iba pang contingencies para sa mga evacuees dahil sapat aniya ang tulong na ibinibigay ng gobyerno.

Kamakailan, naglaan na rin nang karagdagang 3,000 food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)-Region 11.

Sinabi naman ni Mabel Vigil, assistant regional director na handa na ang iba pang batch ng food packs para sa mga evacuees.

Maliban sa Davao region, nagpadala rin ng tulong ang mga karatig rehiyon sa Mindanao.

Napag-alaman rin umabot sa 13,000 ang naipadalang food packs mula sa Caraga region para sa mga apektadong pamilya ng Zamboanga.

Sa ngayon, nananatiling kanselado pa rin ang pasok sa mga paaralan  sa buong Zamboanga City, eksakto isang linggo nang salakayin ng armadong kasapi ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang lungsod.

Samantala, ayon pa rin kay City councillor Roel Natividad, bagama’t “concentrated” lamang sa iilang barangay ang gulo pero mahalaga aniyang matiyak nila ang kaligtasan ng mga estudyante.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.