Evacuation, Ikinakasa na sa Pagdating ni ‘Juan’

INIUTOS NA NG mga awtoridad na mag-evacuate ang mga residenteng naninirahan sa mabababang lugar at sa mga komunidad na malapit sa dagat dahil sa napipintong pagdating ng bagyong Juan patungong hilagang parte ng bansa.

Pinalilikas na rin ni Norma Talosig, regional chief ng Office of Civil Defense ang mga residente sa mabababang lugar at malapit sa dagat sa Cagayan patungo sa mas ligtas na lugar, at kung magmamatigas ang mga ito ay mapipilitan silang daanin sa puwersahang paraan.

Inaasahang tatama si Juan sa hilagang parte ng Cagayan ngayong araw, ayon sa PAGASA.

Pinaghahanda na ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ang mga residente sa Maynila na mag-imbak na ng mga pagkain, gamot, at rescue equipment tulad ng rubber boats.

Naaalarma naman ang ilan dahil tinatayang mahigit 20 bagyo ang tatama sa bansa. Ang ilan dito ay labis na mapaminsala.

Pinoy Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.