EV-71 virus na dumapo sa Cambodia walang lunas – DOH

WALA PA ring gamot para sa deadly virus na tinatawag na Enterovirus 71 (EV71) na dumapo sa bansang Cambodia, kung saan mahigit na 50 mga bata ang naiulat na namatay. Dahil dito pinapaalerto ngayon ng World Health Organization (WHO) ang mga kapit-bahay na bansa ng Cambodia. Ito ang inihayag ni Department of Health (DOH) spokesman Dr. Eric Tayag.

Sinabi rin ni Dr. Tayag na mahigpit na mino-monitor ng DOH ang bansang Cambodia bunsod sa outbreak ng nasabing nakamamatay na sakit na kahalintulad sa hand-foot and mouth disease (HFMD) na nakukuha sa kapwa-tao.

Ang Enterovirus 71 ay isang nakamamatay na virus na magkakaroon ng matin-ding epekto o brain damage sa mga bata. Puwede ring ang infection ay asymptomatic bunsod sa diarrhea, rashes at ang pinaka-common ay ang hand,foot and mouth disease.

Nakukuha ang naturang virus mula sa contact secretion gaya ng mucus at saliva sa mga taong may ganoong sakit na puwedeng manggaling sa pag-ubo at pagbahing. Ang nasabing sakit ay talagang susceptible sa mga bata, ani pa Tayag.

Mahigpit namang mino-monitor ng DOH ang lahat ng mga pagamutan sa buong bansa, at kung may mga kahalintulad na sakit na admitted sa mga ospital ay kaagad na ipagbigay-alam sa ahensiya.  (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.