Eula Valdez was applauded more than FHM no. 1 sexiest Sam Pinto!

DUMAGSA ANG HALOS pitong libong tao sa World Trade Center noong Huwebes nang gabi, July 14, upang saksihan ang pagrampa ng 100 Sexiest Women of The World for 2011 ng FHM magazine.

Saksi kami mismo sa pag-apaw ng mga taong gustong masilayan ang kagandahan at kaseksihan ng mga rarampang modelo at artista. Marami pa ring tao sa labas ang hindi nakapasok dahil wala silang tickets at nakuntento na lamang sa mga sigawan sa loob ng venue.

Pormal na sinimulan ang programa sa isang dance number ng July covergirl ng magazine na si Eula Valdes. Applauded ang naturang number. Sunud-sunod naman ang mga production numbers ng ilan pang mga celebrities, pero hindi masyadong nagmarka ang kanilang performance dahil hindi sila halos nakilala ng mga nandu’n dahil kakulay nila ang mga suot ng mismong mga back-up dancers.

Napapa-‘ah’ na lang ang mga nandu’n kapag may voice over na after the performance. Nu’ng ipinakilala na ang mga nasa top 100, isa-isa silang rumampa at isa na nga sa pinaka-pina-lakpakan ng mga dumalo ay si Eula Valdes na masasabi nating nagniningning at hot pa rin talaga ang dating sa kalalakihan kahit na may Rocky Salumbides na ito.

Bongga na sana ang production at pagka-blocking ng main event, ang pagrampa nga nang number 1 sa pinaka-sexy ng FHM, kaso parang wa care masyado ang mga taong nandu’n sa paglitaw, paglakad at pagkaway ni Sam Pinto. Hindi maganda ang pagkailaw sa pagrampa niya. Dry na dry ang stage na wala man lamang spotlight na naka-focus sa kanya at sana ay pinatay man lang ang house lights para naka-sentro kay Sam ang mga mata ng tao. Kaloka!

 

NGAYONG GABI NA ang pagpapalabas sa makulay na buhay ng Mr. Pogi 2006 na si Edgar Allan Guzman sa Star Confessions ng TV5 pagkatapos ng The Sisters. Masasabi naming makulay ang buhay niya dahil sa dami ng kanyang pinagdaanang hirap sa buhay bago nakaraos sa kahirapan.

Noong kasagsagan ng Mr. Pogi, puro donasyon at hiram na pera lamang ang naging pantustos ni Edgar sa kanyang mga gastusin mula pamasahe hanggang sa mga susuotin. May panahon pa nga noon na muntik na silang mapalayas sa bahay na kanilang inuupahan dahil sa kakapusan ng pambayad sa renta.

Gagampanan ni Joross Gamboa ang buhay ni Edgar at isa rin sa inaabangan namin  ay  ang  pag-arte naman  ng   aming kasamahan sa radio  na  si    Richard Pinlac. Ipinagmamalaki ni  Richard ang kanyang tatlong markadong eksena na pang-award daw dahil isa nga sa mga eksena doon ay ang tatlong takes niyang ‘pisil’. Kung ano man ‘yun, abangan na lang natin mamaya.

 

BLIND ITEM: KINSA Sila? Sinu-sino itong dalawang sexy stars na may mga pinagdadaanan daw sa ngayon?

Ang isa sa kanila ay buntis na ngunit ayaw na lang daw niyang ipaalam dahil namayapa na ang ama ng kanyang ipinagbubuntis. Ang pangalawa naman diumano ay nanganak na ngunit kamakailan din lamang ay nagkahiwalayan sila ng kanyang dyowa.

Walang clue dahil maselan ngunit darating din ang tamang panahong ilalantad din siguro nila ang tunay na pangyayari sa kanilang buhay.

 

Follow me on Twitter, @arnielcserato; e-mail your blind items and hottest showbiz scoops sa arnielcserato@gmail.com
Sure na ‘to
By Arniel Serato

6 thoughts on “Eula Valdez was applauded more than FHM no. 1 sexiest Sam Pinto!

  1. galit na galit talaga…hindi iyo lang mahulaan kaya kau nagkakaganyan..kung magbibigay naman ksi ng clue na mahuhulaan kagad…nagbi pa sila, sana sinabi na lang noh!

  2. wag na kau mag BI kung mga duwag din nmn kau…may masabi lang kahit ano ano na lang.. dpt kung mag BI kau kaya nyo panindigan

    Siney itech mahilig mag give away ng blind item pero wis naman balls mag ispluk  ng clue..
    palibahasa walang katotohanan mga balikta ng baklitang walang balls… kalerkey ah

  3. ah yong GF ng yumaong john apacible.. dating viva hot babe.. forgot the name..jejejej

  4. baka ung ama ng pinagbubuntis ung binaril nga na dating bold star din..sino nga ba un? basta un.

  5. oo bat ganun sila magbbi na walang clue… tas hihintayin ung iba na magbigay ng clue tsaka sila magbibigay din ng clue… it means nde 22o ung bi nyo ha… kaloka kau…