Eula Valdez: kinaiinggitan ang lovelife! – Archie de Calma

BLIND ITEM: ITO palang dating beauty queen na naging sexy actress ay napaka-conscious sa kanyang pagharap sa kamera. Kahit nga sa teleradyo lang ito nagge-guest na mas pinapakinggan kaysa pinapanood. Ang katuwiran niya, may kamera pa rin ‘yun, kaya dapat, lumabas ang maganda niyang anggulo.

Pinagtatawanan ito nang lihim ng isang grupo ng movie reporters na nag-interview rito over the said teleradyo program. Talbog pa raw ang mga gaya nina Karen Davila at Korina Sanchez na haharap sa teleradyo cameras nang walang kaayus-ayos at bahid ng make-up. To think na napakaliit lang naman ng exposure sa mga nagge-guest na artista sa ganitong klaseng programa.

Ang nakatatawa pa, bago ito umalis sa programa ay nag-OPM (oh, promise me!) pa sa mga reporter na naroroon para sa kanilang Christmas gifts. Only to find out na ang igigibsung lang pala ay give-aways na mga pabangong mukhang sa Divisoria lang nabili. Well, ang importante naman daw, it’s the thought that counts, sabi ng mga mapambuskang reporters.

Pero, ang shocking dito, nang langhapin nila ang pabango, mas mabango pa raw ang Albatross. Ibig sabihin, toilet deodorizer pala ang ibinigay sa mga reporter ng nalaosyang na sexy actress na nagpapanggap sa package nitong mamahaling pabango.
Cheap!

MARAMING NAGTATAAS NG kilay sa lovelife ng aktres na si Eula Valdez. Hamak na mas bata sa kanya ang kasalukuyan nitong dyowa, at ayaw na rin kasing humiwalay sa kanya. Siyempre pa, super-inggit ang iba at ninenega ang nasabing anggulo, pero walang keber ang aktres.

Ito ‘yung hunky male model na kasali sa kasalukuyang Pinoy Big Brother edition na nagngangalang Rocky Salumbides. Thirty years old na rin ang guy na ito, at mas matanda nga si Eula, who’s in her early 40s, at hindi niya ikinahihiya. Proud pa nga kasi si Eula na younger men talaga ang nagkakagusto sa kanya. Kaya mas open-minded talaga si Eula.

Gusto na raw ni Rocky na tumandang ang aktres na ang kasa-kasama sa buhay. Nakilala na rin ni Eula ang mga kamag-anakan ng lalaki. Kasal pa rin si Eula sa dati nitong asawang si Richard Litonjua, pero depende pa rin nga kung magpapa-annul siya ng marriage niya rito.

Gusto na rin nga ng lalaking ito na magkaanak na kay Eula. Medyo nagdadalawang-isip pa sa ngayon si Eula dahil ang huli nitong pagbubuntis ay caesarian at windang daw siya sa kung anu-anong itinurok sa kanya makaraos lang ng panganganak.

Marami ang nagsasabing hindi rin daw magtatagal ang relasyong Eula at Rocky, pero ang mahalaga, mukhang nag-e-enjoy naman sila habang on-going pa ito. Kanya-kanya naman silang focus sa career. Si Eula ay tampok bilang isa sa malalakas na suporta ng The Last Prince na pinagbibidahan ni Aljur Abrenica, sa GMA-7.

Calm Ever
Archie de Calma

loading...

5 thoughts on “Eula Valdez: kinaiinggitan ang lovelife! – Archie de Calma

Leave a Reply

Your email address will not be published.